Friday, August 12, 2005

Magpaliwanag!

Bulgar Aug13, 2005

Editoryal

INATASAN ng Korte Suprema ang Malacanang, Department of Finance (DoF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpaliwanag hinggil sa implementasyon ng Expanded Value Added (EVAT) na diniskaril ng hukuman matapos ipetisyon ng mga konsiyumer at negosyante.Dapat ay madaliin ng Korte Suprema ang paglalabas ng desisyon hinggil sa EVAT upang makalmante na ang mga negosyante at mamamayan.Sakaling tuluyang ibasura ng korte ang EVAT, isang tagumpay ito ng ordinaryong mamamayan na mapoproteksiyunan laban sa mapang-abuso pagkolekta ng buwis.Pero, isang malaking dagok ito sa matataas na opisyal ng gobyerno dahil kakapusin sila ng koleksiyon na maaring magpalobo ng budget deficit sa taong ito.Mapupurnada rin ang pagtatangka ng gobyerno na madagdagan pa ang utang na tinatayang papalo sa P4 trilyon sa susunod na taon.Habang pinagtatagal ng Korte Suprema ang desisyon hinggil sa EVAT ay pinahahaba rin nito ang kaguluhan sa gitna ng lansangan lalo pa’t nakaamba ang hindi mapigil na paglobo ng presyo ng petrolyo sa world market.Anu’t anuman, negatibo o positibo man—dapat na magpasya nang totohanan ang Korte Suprema.Ang mahalaga ay matuto tayong magdesisyon nang mabilis at tumpak.
--30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home