Saturday, August 13, 2005

Germany napuwersa

Bulgar Aug. 13, 2005

Bistado

NAPUWERSA ang German embassy na bigyan na rin ng VISA
ang 43 delegado sa World Youth Day.
Okey pa rin ang negosyo sa TNT.
---$$--
KINUMPIRMA ng isang American expert na peke
ang ikinakalat na Hello Garci CDs.
He, he, he, nagulo na naman ang hanay.
---$$--
HINDI na mapipigil ang paglobo ng oil prices sa world market.
Nagpa-PANIC na ang buong daigdig.
---$$$--
NAGDEMAND ang bribery case ang dalawang
Comelec officials laban sa isang ex-general.
Panibagong GENERAL PROBLEM.
---$$--
NANANALASA ang bagyong si HUANING sa Ilocos region.
Huh, dine sa Kongreso mas malakas
ang BAGYO at HANGIN ng mga kongresista at senador.
---$$--
HINAHANTING ang 10 Indonesians na suspected suicide bombers.
He, he, he, hindi kaya sila ay nariyan lang
sa BANGKETA at nagbebenta ng pekeng VCDs?
---$$--
SISIBAKIN ng ABS-CBN ang 210 empleado.
Dagdag sila sa ONE-MILLIONB-JOBLESS PROGRAM.
----$$--
PINAG-AAGAWAN ng pribagong sector ang sosyo ng gobyerno
sa Philippine National Bank (PNB) na bahagi ng privatization.
Kumbaga, IBINEBENTA na nina Nanay at Tatay
ang ari-arian sa sobrang pagdarahop.
----$$--
IBINASURA ng Korte Suprema ang hirit ng Meralco
na magdagdag ng SINGIL sa konsumo sa elektisidad
.Beh, buti nga!
---$$--
PERO may isa pang ALAS ang Meralco.
Ito ay pag NAUPO na si Vice Kabayan sa Malacanang.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home