Saturday, August 13, 2005

Galaw ng numero (Aug13)

Bandera—13aug05

Galaw ng Numero ni David Smith

ISA akong tindera sa palengke pero suwelduhan lang ako ng amo ko. Gusto ko nang umalis ditto kasi’y masungit sila at maliit lang ang kinikita ko. Pangarap kong magkaroon na lamang ng maliit na sari-sari store sa tapat ng aming buhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970. May isa akong anak sa pagkadalaga at siya ang binubuhay ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ang buwenas ba ang buwernas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.- MARISSA NG ILIGAN CITY

Dear Marissa,
NUMBER eight (8) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Sun ang kumukubabaw sa iyo., Buwenas ka sa kulay itim at dilaw. Maraming pangarap mo ang matutupad pero sa totoo lang, mistulang magdaraan ka sa butas ng karayom pero sa pagsapit ng edad 44-anyos pataas, unti-unting masisilayan ang katuparan ng iyong mga malaimposibleng ambisyon kung saan nabigo ka sa panahon ng iyong kamusmusan. Disiplina, malinaw na mithiin at konsentrasyon ang susi sa iyong pag-unlad. Gayunman, makakatanggap ka ng mga hindi pangkaraniwang buwenas kaya’t magtataka ka kung paano ka nakakalusot sa mabibigat na suliranin ng buhay. Walang duda na makakapagpundar ka ng sari-sari store pero ito ay matutupad sa pagsapit ng mapalad mong taong 2006 at 2008 kung saan marami ring pangarap mo ang maabot mo kabilang ang paglagay muli sa tahimik. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Lunes.
Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No. 1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-2-8/ 7-2-4/ 3-2-6/. 6-7-2. Wiretips: 3-2-7/ 8-9-3/ 4-1-6. Double digit; 6-9/ 2-4/ 1-6. Luzon guide: 2-7-11-19-23-26-34-40-42. VisMin: 2-6-11-19-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 3-16-23-27-34-37-40-43. Four Number: 5-6-3-1/ 7-8-2-1/ 8-9-2-1. Coded tips: tilapia- bangus- galunggong/ bibingka- kutsinta- puto/ k-a-t.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home