Saturday, August 13, 2005

Sinalsal...sa media

SAKSI Aug. 13, 2005

Pilosopong pacio

BINUSALSAL lang daw ang Hello Garci
kaya’t nasabit si Ate Glo.
Nabastos na ang isyu.
Sa media, ang tawag dito ay SINALSAL!
---$$--
NAKA-MEET kahapon ng mga fans natin
sa Hong Kong na si Connie si Vic Sotto.
He, he, he, sino kaya ang kanyang KA-DATE?
---$$--
SISIBAKIN na pala si Executive Sec. Eduardo Ermita.
Mainam naman!
---$$--
SISIPAIN na rin si DOJ Sec. Raul Gonzales.
Mas mainam.
---$$--
MAS okey patatalsikin na rin si Presidential Spokesman Ignacio Bunye.
Sila kasi ang TATLONG ITLOG sa Malacanang.
---$$--
KAKASUHAN ng graft and corruption
si ex-AFP Chief Lisandro Abadia.
Eh, bakit siya lang? Paano yung iba pang EX-AFP CHIEF?
Pasensiya na kayo, si Abadia lang kasi ang anti-GMA.
---$$--
KINUKUMBINSE ni FG Mike si ex- Gov. Dy
na huwag nang tumestigo kontra kay GMA.
Huhh, pagkakataon na niyang maging “GOV. CHAVIT”.
---$$--
IBINASURA ng Korte Suprema ang plano ng Meralco
na magdagdag ng singil.
He, he, he, hintayin na lang ninyo
ang pag-upo sa Malacanang ni Vice Noli.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home