Saturday, August 13, 2005

Makatatapos sa kolehiyo

Tiktik Aug.14, 2005
PALMISTRY

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung magkakaroon ako ng tsansa na makatapos ng pag-aaral. Madalas akong matigil kasi’y namamasukan ako at nag-iipon bago ako makapag-enroll sa kolehiyo. Mahirap lang ang buhay naming at nakatira lang sa squatter area. Makapagpundar kaya ako ng sarili kong bahay at lupa? Panganay ako sa apat na magkakapatid at wala na kaming ama. Makapag-aasawa ba ako ng isang maykaya sa buhay o may matatag na trabaho? Ipinanganak ako noong Hunyo 12, 1978.FELOMENA NG TAGUIG, METROMANILA

Dear Felomena,
ITULOY mo lamang ang page-enroll tuwing may pera ka at maghanap ka ng trabaho na makakatulong sa iyo sa iyong mga pangarap. Walang duda na makakatapos ka ng pag-aaral sa kolehiyo. May nag-parallel kasing guhit sa paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na makakaangat ka sa larangan na napili mo. Marami kang pagsisikap, pagtitiyaga sa buhay kaya’t walang duda na makakaahon ka rin sa hirap (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na kailangan mong magpatulo ng pawis upang matupad ang iyong mga pangarap. Makapag-aasawa ka naman nang maayos at magkakaasawa ka nang mabait at may matatag na trabaho. Isang masaya at masaganang pamilya ang mabubuo mo. Malinaw kasi ang nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home