Sunday, August 14, 2005

Dugo sa ulan

Tiktik—advance for: aug 14 issue

Don Honesto

Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naliligo sa ulan. Nakatapat ako sa alulod ng aming bahay. Kasama kong naliligo ang mga nakababata kong kapatid. Pero, laking gulat naming na maging kulay pula o mistulang dugo ang tumutulo mula sa itaas kaya’t nagtakbuhan kami sa loob ng bahay at takot na takot. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong waitress at nakikipag-date ako sa mayayamang kustomer. Ipinanganak ako noong Mayo 24, 1983. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. - ELIZABETH NG TONDO, MAYNILA

Dear Elizabeth,
KUNG naligo ka sa ulan, kinukumpirma nito ang pakikipag-ulayaw mo sa maraming kapareha. Naging dugo ang tubig ulan, na nagsasabi na dapat na maging maingat ka sa pakikipagrelasyon dahil maaring mahawa ka ng mapanganib na sakit na sa bandang huli ay maaaring mapahamak ka. Kung kasama mo ang mga kapatid mo, nagsasabi ito na ikaw ay likas na mabait at matulungin sa kapwa., Madaling mabagbag ang iyong kalooban. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao, kung simple lang ito, maliwanag na simpleng buhay lang ang pangarap mo. Katapat ng ulan ay No. 11; No. 27 ang dugo; No. 20 ang paligo; No., 33 ang kapatid; No. 17 ang takot; No. 40 ang bahay; No. 10 ang alulod; No. 32 ang pagtakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 24 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 1. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-30-38-40-42.02.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home