Monday, November 21, 2005

ChaCha ng mga ganid

editorial (22Nob05)

HARANGAN-MAN-NG-SIBAT itutuloy ng mga kongresista ang debate sa Charter Change. Kailangan kasing magkaroon ng batas upang maipatupad ang anumang magiging rekomendasyon ng Consultative Commission (ConCom) kung saan inuubos ang pondo ng gobyerno sa pagkuha ng opinion kuno ng taumbayan.
Target ni Speaker Jose de Venecia na makakuha ng 177 signatories na katapat ng three-fourth ng miyembro ng House of Representatives. Naniniwala ang mga nagmamasid na magaan na makokopo ni JDV ang naturang boto dahil nais din mismo ng mga kongresista na baguhin ang Konstitusyon.
Taliwas dito, kontrang-kontra naman ang mga Senador sa ChaCha dahil alam nilang masyadong personal ang motibo nina JDV at dating Pangulong Fidel Ramos na kapwa na nangangarap na maging AMO SA MALACANANG pero imposibleng manalo sa popular election.
Makakakampi nina JDV at Ramos si Senador Edgardo Angara na isa ring TRAPO na imposibleng mahalal o kahit ma-nominate bilang Pangulo ng Republika sa mga susunod na eleksiyon. Nakapagtatakang suportado ng mayorya ng kongresista ang PAKANANG JDV-FVR-ANGARA kaya’t hinihinalang nais lamang ng mga ito na magkamal ng bilyon-bilyong pisong PAYOLA sa porma ng pork barrel funds at dambuhalang allowances at travel expenses.
Ang pagbuhay sa ChaCha ay mistulang MONUMENTO ng PAGNANAKAW ng pondo ng gobyerno at pagiging GANID SA KAPANGYARIHAN ng mga lider ng bansa.
Nakakahiya, nakakasulasok, nakasusuka!-
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home