Wednesday, November 16, 2005

suntok sa buwan

editorial (17Nob05)

INUUPAKAN ng administrasyon ang media na inaakusahan nilang panay negatibo ang inilalabas na ulat. Hindi yata makatarungan ang naturang batikos kasi’y imposibleng ang lahat ng media outfit ay ganyan ang maging diskarte sa kanilang negosyo. Maaring may media outfit na may kinakampihan pero imposibleng ganyan din ang maging maniobra ng lahat ng mamamahayag.
Kung may kinakampihan ang isang media entity, karapatan din nilang ihayag ang kanilang paniniwala kasi’y may pribado silang kapasidad. Tulad din naman iyan ng mga government network na panay pabor sa gobyerno o administrasyong Arroyo ang inilalabas.
Ibig sabihin, patas-patas din ang labanan. Gayunman, marami pa ring media outfit ang nagsisikap na maging patas ang pag-uulat pero ang pagpili ng artikulo at pagbibigay ng opinion ay “personal choice” din naman ng mga kolumnista at manunulat at may kalayaan ang editors na ipatas ang presentasyon sa personal niyang pamamaraan.
Maaring tabihan ng magkasalungat ng opinion ang isang artikulo upang maging patas ang presentasyon at may oportunidad ang mambabasa o tagapakinig na pumili ng panig kung alin ang nakakamukha ng kanyang paniniwala.
Kung ang nais ni Ate Glo na kumampi sa kanya ang lahat ng media—iyan ang tinatawag na SUNTOK-SA-BUWAN. Sintomas na iyan ng tinatawag na PARANOIA.---30---.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home