Saturday, November 19, 2005

nag-panic sa bird flu

Editorial (20Nob05)

HUMINGI na ng saklolo sa buong daigdig ang China dahil sa hindi masawatang pamemeste ng bird flu. Kahit anong klase ng pagku-quarantine o paggamot ay hindi mapigil ang pagkalat ng avian influenza virus kung saan libo-libong manok na ang kinatay at sinunog sa naturang bansa.
Dahil dito, magpupulong na sina US president George Bush, Russian President Vladimir Putin, Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi at Chinese President Hun Juntao. Maging ang komunistang North Korea ay nagpa-panic kaya nagpahayag silang makikiisa sa mga kalaban nilang bansa upang mapigil lamang ang bird flu.
Ayon sa World Health Organization, aabot na sa 67 katao ang namatay sa bird flu at karamihan ditto ay mula sa Vietnam at Thailand. Kamakailan lamang ay nagbabala na rin ang Indonesia na malilipol ang may 50 milyong katao sakaling kumalat ang pandemic na bird flu sa buong mundo higit nang 10 doble sa bilang ng namatay sa trahedya ng tsunami sa kanilang bansa.
Magiging pangunahing agenda sa pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang pagsawata sa bird flu pero nagdududa ang mga eksperto kung masosolusyunan ang pesteng ito.
Sa ngayon, walang pinakamabuting gawin kundi lipulin ang mga hayop na may balahibo at sabayan ang magdasal na sanay hindi madamay ang mga Pinoy na napipintong pagkalipol ng populasyon sa ibabaw ng lupa.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home