Saturday, November 19, 2005

traydor

Bistado (20Nob05)


INAMIN ni retired Gen. Fortunato Abat na bumubuwelo si ex-President FVR upang mapabagsak si Ate Glo.
He, he, he, hindi talaga nauubos ang mga TRAYDOR.

---$$---
NILALAMON ng apoy ang 2,000 ektaryang lupain sa California.
Nalipat ang IMPIYERNO mula sa Iraq tungo sa US.

---$$-
Dedbol ang 82 katao sa panibagong suicide bombing sa Iraq.
Bakit kaya walang KANO ang nagsu-suicide BOMBERS.
Kasi’y sila ang pinakadakilang DUWAG.

---$$---
INAMIN dawn g TMG ang pag-ambush sa mga carnappers sa Ortigas.
Sige, pa, marami pang AAMININ yan.

----$$---
NATAHIMIK na si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn kaugnay ng JUETENG.
Baka kumita na rin siya.

----$$---
SINO daw ba ang BACKER ni Rep. Prospero Pichay dahil naglakas loob itong hamunin si Speaker JDV.
Sino pa, e di si MJ.
Huhh, Mark Jimenez po!
Mano po!

------$$--
MUKHANG may NEWS BLACKOUT sa pagbabalik ni MJ.
Sino-sino kaya ang kumita-kita ditto?


-----$$---
TEPOK ang apat katao nang sumabog ang BOMBA na naiwan noong World War II sa Cavite.
Hanggang ngayon ay NAKAPAPATAY pa ang mga HAPON.

------$$--
NA-STRANDED ang daan-daang pasahero sa Bicol at Samar dahil sa bagyong PEPING kahapon.
Mas matindi riyan ang BAGYONG ENRILE na papanot sa kabundukan ng SAMAR.

----$$--
NATUPOK ang mga manuscript at MEMORABILIA ni national artist NVM Gonzalez.
Namatay ang mga WALANG KAMATAYAN niyang AKDA.

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home