Sunday, November 20, 2005

gulo na 'to

Editorial (21Nob05)

NAGMAMATIGAS pa rin si US President George Bush sa pananatili ng US troops sa Iraq kahit lumalakas ang kampanya sa America na iatras na lamang ang tropa na nagiging paboritong target shooting ng mga Iraq.
Naniniwala kasi si Bush at mga US generals na ang pag-atras ng mga Kano mula sa Baghdad tulad ng ginawa nila sa Vietnam ay isang PUTAHE na magbubunsod ng trahedya sa United States.
Pero, inakusahan si Bush na nag-iilusyon at nalalayo sa praktikalidad.
Sa totoo lang, malabong umatras ang mga Kano sa Iraq dahil ang kanilang motibo ay hindi ang malipol ang mga terorista kundi upang makontrol ang oil supply sa Middle East at iba pang negosyo na hawak ng mga Asian businessmen.
Higit na malala, lihim na pinaplano ng US intelligence community ang pag-atake alinman sa Syria, Iran at North Korea anumang oras.
Hindi rin lingid sa mga nagmamasid na nagmamaniobra rin ang US na idepensa ang Taiwan sakaling kubkubin ito ng China anumang oras.
Sakaling magkaroon ng digmaan sa Middle East, hindi malayong sumabay na sa kaguluhan ang China at lusubin ang Taipei upang malito si US Prez George Bush kung alin ang dedepensahan at mawalan ito ng konsentrasyon.
Hindi malayong mangyari ang senaryong ito sa 2006 na ayon sa mga ekspertong numerologist ay isa sa pinakamaselang panahon sa ating henerasyon.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home