Tuesday, November 15, 2005

bad cops

Editorial (15Nob05)

HALOS lahat ng krimen sa MetroManila ay kinasasangkutan ng mga parak. Sala-salabat ang carnapping, kidnap for ransom, holdap, prostitusyon illegal drugs at illegal gambling.
Pinakatalamak dito ang illegal na gambling kung saan tumatanggap ng lingguhan tara ang mga hepe ng pulisya. Natahimik ang isyu sa jueteng pero laganap naman ang video karera, video prutas, bookies sa horseracing, color game sa perya at saklang patay.
Inutil ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Gen. Vidal Querol sa illegal gambling tulad din naman ng paglaganap ng kriminalidad sa buong MetroManila. Inaasahang magiging grabe ang krimen at illegal na sugal sa mga susunod na araw dahil nalalapit na ang Kapaskuhan.
Hindi naman natin masisi ang mga pulis na kunsintehin ang illegal na sugal kasi’y kakarampot din ang kanilang suweldo kaya’t sinisikap nilang dagdagan ito mula sa ektrang “kotong” mula sa illegal gambling.
Ang iba namang parak na higit na malakas ang loob ay pikit-matang sumasama sa panghoholdap, pangingidnap, pagbebenta ng illegal drugs.
Sana’y makatuklas ng solusyon si PNP Chief Arturo Lomibao kung paano malulutas ang krimen at mababawasan ang pagkakasangkot ng miyembro ng pulisya sa mga illegal aktibidad.
Magawa kaya niya ito?Abangan!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home