Wednesday, November 30, 2005

ika-14 na anibersaryo

Editorial (02Dec05)

HALINANG samahan ninyo kami sa pagdiriwang ng ika-14 anibersaryo ng MVRS Publications na naglalathala ng No.l newspaper sa buong bansa—BULGAR!!!
Mula sa inyong walang sawang pagtangkilik, lumalakad na tayo ngayon sa ika-14 na taong pamamayagpag sa larangan ng media at patuloy na tinatangkilik ng lahat ng sector ng lipunan.
Sa gitna ng maraming problema sa ating lipunan, nananatiling naglilingkod sa inyo ang Bulgar na walang kinikilingan at nananatiling mataas ang kalidad sa pamamahayag.
Bilang pasimuno ng patas na pamamahayag, tinatangka ng ilan na kopyahin pero nananatiling walang kapantay ang Bulgar sa lahat ng aspeto ng pamamahayag.
Kumbaga, kompletos-rekados ang ating pahayagan na tinatangkilik ng mga mamamayan mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang antas ng lipunan.
Ang tagumpay na ito ay hindi nating mararating kung hindi sa walang sawa ninyong pagsuporta sa mahabang panahon. Umaasa po kayo na sa paglakad pa ng panahon, mananatiling naglilingkod ng tapat at nagtatanggol ng iyong karapatan ang BULGAR na patuloy na maghahandog din sa inyo ng aliw at serbisyo.
Sa ngalan ng may-ari, editors, writers, kawani, advertisers, dealers at newboys, ipinaaabot po naming ang taos-pusong pasasalamat sa iyong patuloy na pagtangkilik.
HAPPY 14TH ANNIVERSARY po sa ating lahat. At maraming- maraming salamat po!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home