Wednesday, November 23, 2005

lihis na balita

Editorial (24Nob05)

MARAMI ang nagpa-panic dahil sa pag-e-exodus ng mga doktor at nurses sa ibang bansa. Nagbabala ang mga awtoridad na maaring magsarado ang mahigit 1,000 ospital sa susunod na 10 taon kapag hindi napigil ang paga-abroad ng mga health workers.
Pero, nakapagdududa ang ganyang ulat. Batay kasi sa law of supply and demand, kapag nauubos ang bilang ng mga doctor , dapat ay lolobo ang kanilang suweldo.
Pero sa aktuwal, kabilang ang mga doctor sa mga may maliliit na suweldo kaya’t naglalakas-loob silang iwanan ang pamilya kapalit ng dolyares sa ibang bansa.
Sa kabila ng mga ulat na paglayas ng mga health workers, sobrang liit pa rin ang suweldo ng mga doctor at nurses sa Pilipinas kung saan ang mga nagsisipag-resign ay mabilis na napapalitan ng mga bagong aplikante.
Kung totoo na kapos ang bilang ng mga doctor at nurses, dapat sana’y dambuhalang ang suweldo ng mga naiiwanan sa Pilipinas. Hanggang sa kasalukuyan, binubusabos pa rin ng mga may-ari ng ospital, klinika at mga opisyal ng gobyerno ang mga kaawa-awang doctor at nurses.
Sa dami ng populasyon ng Pilipinas, imposibleng kapusin ng mga doctor at nurses ang mga ospital at klinika.
Isang klase ito ng lihis na pagbabalita at panloloko sa publiko.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home