Tuesday, November 29, 2005

Regalo kay Garci

editorial (30Nob05)

PINUPUTAKTE naman ngayon ng media ang paglutang ni ex-Comelec Commissioner Virgilo Garcillano. Tatangkain ni Garcillano na ibigay ang kanyang panig at sakaling magtagumpay siya sa pinakamatinding pagsubok na ito sa kanyang buhay—maaari siyang biyayaan ng isang magandang REGALO.
Sa ngayon pa lamang ay umaakto na siyang de-facto lawyer ni Ate Glo sa pagsasabing hindi dapat nag-SORRY ang Pangulo dahil wala itong nagawang paglabag sa batas at maging sa moralidad. Ibinunyag ni Garcillano na nakipag-usap din sa kanya ang oposisyon at tulad ni Ate Glo, itinatanong lamang sa kanya ang proseso sa pagbilang at hindi siya inuutusan na mandaya.
Nilinaw din ni Garci na nakipag-usap siya—hindi BAGO MAGHALALAN kundi matapos ang aktuwal na eleksiyon at bilangan sa mga presinto.Sa biglang tingin ay may malilinaw na katwiran si Garci at ipinahayag nito nakahanda siyang humarap sa alinmang pagdinig sa Kongreso anumang oras bagaman maaaring hindi niya sagutin ang ilang katanungan.
Sakali kasing malinis ni Garci ang kanyang pangalan at mismo ang reputasyon ni Ate Glo, hindi malayong italaga siya bilang COMELEC CHAIRMAN na hahawak sa plebisito ng babaguhing Konstitusyon.Iyan na mismo ang MOTIBO ng kanyang paglutang!Ano ang sey mo, Tsong?
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home