Tuesday, November 22, 2005

malaking problema

editorial (23Nob05)

DEDBOL agad ang siyam na sundalo at nasugatan ang may 23 nilang kasamahan nang umatake ang New People’s Army (NPA) kamakailan sa Iloilo City. Kinumpirma ito ni CPP-NPA spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal sa pagsasabing simula lamang ito ng higit na matitinding atake ng mga rebelde sa mga susunod na araw upang ipadama na nag-aambag sila ng puwersa sa pagpapabagsak kay Ate Glo.
Maselan ang bantang ito ni Ka Roger. Kumbaga, nakakalalake na siya ah!Mistulang inutil naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-akusahang lumabag ang NPA sa international law na nagbabawal sa paggamit ng LANDLINE sa mga digmaan.
Ligaw ang isyu ng AFP, dapat ay nakahanda sila sa lahat ng klase ng laban. Hindi ba kayang gumawa ng AFP ng dragnet tulad ng ginagawa nila kontra sa Abu Sayyaf sa Mindanao?
Halos lahat ng lalawigan ay malayang nakapamemerhuwisyo ang CPP-NPA.
Bakit hanggang ngayon ay namamayagpag si Ka Roger? Ano ang silbi ng AFP sa mahigit na 30 taon ng parerebelyon ng CPP-NPA? May malaking problema ang AFP at ito ang tunay na issue. Dapat itong maresolba upang mabawasan ang bilang ng mga nagbubuwis ng buhay.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home