Friday, November 11, 2005

pikon na si ate

editorial (12Nob05)

INUPAKAN naman ni Ate Glo ang media sa pagsasabing hindi ito patas sapagkat laging ibinabalita ang isyu hinggil sa mga talunan sa eleksiyon imbes ang ulat sa kanyang aktibidad gayong siya ang nahalal sa nagdaang halalan.
Hindi na natuto sa kasaysayan si Ate Glo kung saan inupakan ni Pareng Erap sa isang pangunahing broad sheet newspaper bago siya napabagsak sa Malacanang.
Ngayon, halos nilalahat na naman ni Ate Glo ang mga taga-media partikular ang broadcast journalist na nagtutulong na ibagsak ang kanyang administrasyon.
Mukhang napa-paranoid na ang babae sa Malacanang dahil nalimutan niya ang ilang pahayagan, radio station at television networks na nananatiling sipsip sa kanyang pundiya.
Walang duda na napipikon na si Ate Glo at mistulang pag-amin ito na inutil ang kanyang pinasusuweldong MEDIA czar kung saan ibinubulsa lamang ang PR fund kaya't pinagpipiyestahan siya ng mga journalist.
Pag-amin din ito na natatalo ang Malacanang sa psywar at media exposures. Dapat ay sibakin agad ni Ate Glo ang kayang media advisers at mga alipures bago matulad ang kanyang kapalaran kay Pareng Erap.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home