Friday, November 11, 2005

maldita

Bistado (12Nob05)

INAKUSAHAN ni Ate Glo ang media practioners bilang BAD BOY.
Igalang po natin ang mensahe ng isang MALDITA.

---$$---
NATUKLASAN sa Compostela Valley sa Mindanao ang PINAKADAMBUHALANG BULAKLAK.
Bubuka ang bulaklak, papasok ang Reyna.
Buntiyaya, buntiyaya, bunyeye!

---$$---
AYON kay DILG Sec. Angelo Reyes, hindi raw dapat paniwalaan ang VIDEO CLIP kung paano sinalvage ang isang grupo ng mga suspected carnappers.
He, he, he, may maniwala naman kaya sa kanya?

---$$---
NAPADPAD sa cybersex web site ang Blackn-white Movement.
Okey lang, PLENTY OF SEX din naman ang kanilang kalaban eh.

---$$---
NAGREKLAMO sa DOLE ang 24 farmer-worker ni FG Mike sa Negros dahil hindi raw sila pinasusuweldo.
Pasensiya na kayo mga iho, WALANG OPERASYON ang jueteng eh.

---$$---
PINALILIKAS na ang mga residente ng Quezon dahil sa bagyong ONDOY.
Ang mga taga-SAMAR, hindi ba ie-EVACUATE dahil sa bagyong ENRILE?

---$$---
IDADAAN daw sa botohan kung babawasan ang 6-year term ni Ate Glo.
Huhhh, e di, tiyak na MANANATILI rin siya.
COMELEC din kasi ang mangangasiwa.

---$$---
IMPLEMENTASYON daw ng EVAT ang nagpatatag sa PISO.
Lintekkkk.
Hindi ba't ang DOLLAR REMITTANCES ng mga OFWs?

---$$---
BABALIKATIN daw ng mga kaklase ni Pareng Erap ang P500,000 gastusin sa pagdalo ng dating pangulo sa kanilang Ateneo High School Jubilee.
Kaysarap maging BILANGGO.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home