Friday, November 11, 2005

matutong magpatawad

editorial (14Nobo5)

HINILING ng isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gobyerno na palayain na si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari. Magandang eksampol ito ng pagiging maka-Diyos lalo pa't nalalapit na ang Kapaskuhan. Dumaranas ngayon ng sakit na rayuma at diperensiya sa puso si Misuari na inakusahan na nagbubunsod ng pag-aalsa sa Mindanao. Nakakulong ngayon si Misuari sa Sta Rosa, Laguna.
Sana'y matutuhan ni Ate Glo na magpatawad ng mga taong nagkakasala dahil ito mismo ang magpapaganda ng kanyang imahe sa taumbayan. Mainam din kung bibigyan din niya ng pagkakataon si Pareng Erap na mabiyayan ng house arrest kahit sa panahon ng Kapaskuhan.
Ang pagtatag ng piso kontra dolyar sa kabila ng implementasyon ng EVAT at pagtataas ng presyo ng mga bilihin ay isang positibong iskor ni Ate Glo at kung sasabayan pa ito ng makataong pagtrato sa kanyang mga kalaban ay malinaw na makakabawi siya sa masamang reputasyong ikinukulapol sa kanya ng oposisyon.
Mahirap bang magpatawad ng mga kaaway sa panahon ng Kapaskuhan?
Ano ba ang diwa ng Pasko? Sana'y maramdaman natin ito bago malipol ang populasyon ng buong mundo ng nakakatakot na bird flu.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home