Thursday, August 18, 2005

Garci huli sa Britain

SAKSI, BOMBA (Aug. 19, 2005)

Pilosopong Pacio

GUMAGAMIT daw ng illegal drugs ang mga tao sa call centers
kaya’t nakakatagal sila nang MAGDAMAGAN.
Baket, hindi ba kaya ng KAPE ang paglalamay?
----$$--
IPINANAKOT na naman ng oposisyon ang EDSA 4
kapag napurnada ang Impeachment kontra kay PGMA.
Huwag na kayong magbanta,
TUWAD-KUNG-TUWADDDDD!
----$$--
SINALAKAY ang safehouse ng oposisyon kung saan nakalagak
ang mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Below-the-belt talaga ang DISKARTE!
----$$--
BAKIT kaya nagpapagamit ang PNP at AFP sa kapritso ng Malacanang?
Isang paglabag ito sa Konstitusyon.
At malaking KAHANGALAN.Bwuseetttt!
----$$--
HINAMON ni ex-Sen. Loren Legarda si Vice President Noli de Castro
na suriin sa gitna ng MEDIA ang mga election returns
na DINAMBONG ng CIDG sa kanilang headquarters.
Umiinit na ang AWAY ng mag-KUMARE’T KUMPARE.
----$$--
WALANG duda na mapapagitna na tayo sa KRISIS.
Ang babae sa Malacanang,
NAKABUNGISNGIS pa rin.
----$$---
NAGTATAKBO raw sa LONDON via Singapore
si ex-Commissioner Virgilo Garcillano.
Nakupp, madaling mahuhuli sa Britain si Garci.
KAKAUNTI kasi ang PANGIT dun.
Nababalita agad kapag NADAGDAGAN ng ISA.
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home