Thursday, November 03, 2005

uhaaaaaa

bistado (04Nob05)


TUMAAS na ang presyo ng mga delatang gatas.
Uha! Uhaa! Uhaaaaaa!

---$$---
MATATAG ang PISO kontra dolyar.
Dahil sa REMITTANCES ng mga suspected terrorists.

---$$$---
PAYAG na rin pala si Ate Glo sa Charter Change.
Yun ang akala ninyo.

---$$---
OKEY daw sa Malacanang ang LEGISLATIVE WAGE INCREASE.
Kunwari.

---$$---
ISINAGAWA ang isang CLOSED-DOOR session ng US congress kaugnay sa Iraq.
Pinag-usapan nila kung paano AATRAS sa Baghdad ang US troops nang hindi nakakahiya.

---$$---
DUMARAMI na ang kaso ng pagnanakaw.
Sintomas ito ng pagdarahop.

---$$---
SUNOD-SUNOD din ang kaso ng PAGPAPATIWAKAL.
SHORKAT kasi ito sa pagresolba ng problema.

---$$---
NADAGDAGAN din ang mga NABABALIW dahil sa krisis.
At mga NAGBABALIW-BALIWAN.

---$$---
Excuse kasi ang mga BALIW sa PAGTATRABAHO.
At sa pagbabayad ng UTANG.

---$$---
MARAMI nang kabataan ang nagugumong sa CYBERSEX.
Iyan ang PANDEMIC sa modernong henerasyon.
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home