Wednesday, November 30, 2005

happy anniv

Bistado (02Dis05)


IKA-14 ANIBERSARYO ngayon ng MVRS Publications,
naglalathala ng BULGAR newspapers.
Nananatiling No.1 po ang ating pahayagan.
Congrats at maraming salamat sa inyong pagtangkilik.

---$$$---
NAGREREKLAMO ang mga taga-THAILAND sa ginagawang
pandaraya ng RP officials sa 23rd SEAGames.
He, he, he, magreklamo kayo kay GARCI.
Ha! Ha! Ha!

---$$$---
WALA pa ring natutuklasang VACCINE sa bird flu.
Paktay kang MANOK ka!

---$$$---
NASABAT ang isang grupo ng mga MAGNANAKAW ng sasabunging manok sa Tondo, Maynila.
Nakuhhh, sila rin ang SUSPECTS sa pagnanakaw ng mga manok sa CUENCA,BATANGAS.
Sila ang tinatawag na COCK-NAPPERS!

---$$$---
SABI ng mayorya ng mga SENADOR, ibabasura daw nila
ang CHACHA na pagtitibayin ng mga kongresista.
Nakowwsss, NAGPAPATAAS lang kayo ng PRESYO!
Style nyo, bulokkk.
Iiisang klase lang kayo ng BALAHIBO.

---$$$---
DALAWA raw sa tatlong PINOY ay nais mag-abroad!
Sunugin na lang natin ang BANDILA
kapag ganyan kayo KADUHAPANG sa dolyares.

---$$$---
NAGDIWANG ang MEDIA practioners sa hatol ng KORTE
sa isang ex-PARAK na pumatay ng isang JOURNALIST.
Nalungkot naman ang mga pulis na kinokotongan ng mga HAO SHIAO.

---$$$---
KINUMPIRMA ng mga awtoridad ang pagkamatay ng tig-isang
biktima ng meningococcemia sa Pasay City at Davao City.
Huhhh, iyan na ang delikado.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home