Wednesday, November 30, 2005

x'mas, obrero (01dis05)

Bistado—01dis05


Head:

DISYEMBRE na.
Eh, ano ngayon?

----$$$--
PARA sa mayayaman lamang ang X’Mas.
Para sa mga nagdarahop ang Disyembre ay isang KUWARESMA.

---$$$---
NAKAISKOR muli ang PISO kontra dolyar.
Dahil sa mga OFWs na iniwanan ang pamilya para maglingkod sa mga BANYAGA.

-----$$---
AYAW pa ring lumayas ng mga Kano sa teritoryo ng Iraq.
Masarap daw kasing mabuhay sa IMPIYERNO.

----$$$---
MALABO na raw mapagtibay ang 2006 budget.
Komporme yan sa PORK BARREL ng mga buwaya.

----$$--
NANGUNGUNA sa gold medal race ang RP sa ginaganap na 23rd SEAGames.
Salamat sa mga REFEREES.

-----$$---
NALAMPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang mahigit P3 bilyon ang target collection sa buwan ng Agosto.
Klap! Klap! Klap.

----$$---
NAG-IWAN ng mahigit P11 bilyong deficit ang dating komisyoner ng BIR pero kung magpapatuloy ang magandang takbo ng koleksiyon, hindi malayong makaabsuwelto ang administrasyon.
Sana’y gamitin ng gobyerno sa magagandang proyekto ang naturang koleksiyon.

-----$$--
INAASAHANG maabot ni BIR Commissioner Jose Mario Buñag ang target na P 547 bilyon sa taong 2005 at kahit hindi pa naipatutupad ang EVAT ay pumapalo na sa mahigit P400 bilyong koleksiyon.
Sakaling magkaroon ng super-performance si Buñag, ano kaya ang IPREMYO ni Ate Glo?
Baka bigyan siya ng UNIPORME ni SUPERMAN!

----$$--
SECOND placer pala sa bar examination si Buñag kaya’t BUWENAS si Ate Glo sa pagkakakuha sa kanya.
Iyan ay kung hindi siya TETRAYDURIN ng kanyang mga kaibigan.
He, he, he!

------30—

EDITORIAL

Head:

HINIHILING ng mga hanay ng obrero ang karagdagang suweldo dahil sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo tulad sa singil sa kuryente, tubig, pasahe at matrikula sa eskuwelahan.
Pero malabong makapagbigay ng dagdag-suweldo ang mga kompanya kasi’y marami pa rin sa kanila ang hindi nakakasunod sa nauna nang salary increase dahil sa takot na mabangkarote.
Sa totoo lang, dapat at bigyan ng mas maluwag na oras at pribililehiyo ang mga manggagawa upang magkaroon sila ng ekstrang aktibidad na maaaring makaipon sila ng dagdag na kita.
Maaaring kasi imbes na dagdag na suweldo ang hilingin ng mga obrero ay gawing PER-ORA o kada oras ang komputasyon ng pasuweldo tulad sa ibang bansa gaya sa United States upang maabot ng mga obrero ang target na kita sa maghapon at magdamag na pagtatrabaho.
Kumbaga, pasipagan lang yan!
Kahit sa America, kapag iisang klase lang ang kompanya na pinagtatrabahuhan mo ay tiyak na MAGUGUTOM ka, kaya’t karaniwan sa mga obrero ditto ay naglilingkod nang LAGARE sa tatlo hanggang apat na klase ng hanapbuhay.
Sa ngayon, suntok-sa-buwan ang kahilingan ng mga obrero dahil pinaglilideran sila ng mga militanteng kapos sa kaalaman kundi nagbubuyo lamang ng kaguluhan.
Kung kapos ng talino ang mga nasa pamahalaan, kapos din ng kakayahan ang mga lider-obrero na maghanap na solusyon upang maresolba ang problema ng kanilang hanay.
Ano ang sey mo?
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home