Thursday, May 25, 2006

Anbelibabol

(for Bulgar, May 26 issue)

DINUKOT ang limang SUPPORTERS ni Pareng Erap.
Nakupp, paano yan, MAY LUSLOS pa naman siya?
----$$--
NAGSINUNGALING ang ISAFP sa pagsasabing hindi nila inaresto ang 5 Erap Loyalists.
Kasi'y inamin din nila na ito ay nasa kanilang PANGANGALAGA.
At buhay pa, SA NGAYON!
----$$--
NAARESTO na ang pangunahing suspect sa pagpatay sa BRODKASTER sa Palawan.
Tama ang hula ninyo, siya ay isang PARAK.
----$$--
MGA parak din ang sinasabing TUMODAS sa isa pang journalist na si Albert Ursolino.
Alam na natin ngayon kung bakit hindi nalulutas ang PAGMASAKER sa mga mamamahayag.
Kasi'y ang KARANIWANG SUSPEK ay mga PULIS din.
Entiendes?
-----$$--
UMAMIN si Pareng Erap na siya ang lumagda ng “Jose Velarde”.
Abangan natin, baka aminin din niya na siya rin ang pumirma ng “Jose Pidal”.
----$$-
BUMABAGSAK na naman ang HALAGA NG PISO.
Paktaylo!
---$$--
DUMARAMI daw ang PUTATSING na DH sa Singapore.
Balita pa ba yannn?
----$$--
GUSTO raw ng mga kongresista na pagtibayin ang batas para sa P125 a-day salary increase.
Huhh, isang PANIWALAANG-DILI.
---$$--
MAY panibagong P35 milyong pork barrel ang mga kongresista bukod pa ang naunang P40 milyon bawat isang distrito.
Bayad yan sa pagkontra sa Impeachment?
Tsk, tsk, tsk.
----$$--
PALALAYAIN na raw si Nur Misuari.
Nakupp, maiinggit si Asyong Salonga.
----$$--
ITINALAGA bilang bagong auxillary bishop ng Maynila si Fr. Broderick Pabillo.
Eh, father, baka kailangan mo rin ng SEKSING SEKRETARI, sabihin mo lang, ire-release ko.
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home