Sunday, May 07, 2006

Natuwa sa helicopter crash

(for BULGAR, May 08 issue)

NAGLULUNDAG sa tuwa ang mga mamamayan ng Iraq nang makita ng mga katutubo na napabagsak ng mga rebelde ang isang British helicopter kung napatay ang apat na British soldiers.
Nang dumating ang reinforcments pinagbabato ng mga ordinaryong mamamayan ng mga sumaklolo at ang iba ay naghagis ng mga bote na naglalaman ng gasolina.
Ang eksenang ito ay nagpapatunay na ang mga occupation forces ng United Nations-- na nirorobot ng US at Britain ay simpleng mananakop ng ibang lupain.
Napakalinaw dito na kinamumuhian ng mga katutubo ang mga nagpapangggap na "tagapagligtas" ng Baghdad.
Nakapagtatakang kinukunsinte ng United States at iba pang bansa ang "kawanghiyaan ng America at Britons" sa walang pakundangang paghahari-harian sa Iraq at Afghanistan.
Ang tunay na terorista ay ang mismong US at British na nakapatay na nang libo-libong sibilyan sa Iraq at Afghanistan.
Mayorya ng ordinaryong Kano at Britons ay nagsasabi na palpak ang pagkubkob sa Iraq dahil kahit alam nilang wala namang weapons-for-mass-destruction ang Iraq ay itinuloy pa rin ang pananakop at nakumpirma ito mismo ng mga EKSPERTO.
Kung tutuusin, dapat parusahan ng United Nations ang US at Britain--pero patuloy nila itong kinukunsinte.
Dapat nang buwagin ang UN at ibasura natin ang globalisasyon na ginagamit lamang upang agrabiyaduhin at lokohin ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.
Sakaling mawala sa poder at "sa mundo" sina US Prez George Bush at Britain Prime Minister Tony Blair--- doon pa lamang makasusumpong ng katiwasayan ang buong mundo.
Ipagdasal nating maganap ito sa lalong madaling paraan at sa anumang paraan.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home