Friday, May 05, 2006

Artistahin

(for Bulgar, May 07 issue)

INIHAHANDA na raw ng oposisyon ang panibagong impeachment complaint kontra kay Ate Glo.
Wala itong kauuwian.
Kasi’y mahihina ang kukote ng mga lider-oposisyon.
Akala nila ay makokopya nila ang naranasan ni Pareng Erap na bumagsak dahil sa “impeachment proceedings”.
Malabo ito, kasi’y wala silang originality ng estilo at approach.
Hindi puwede ang gaya-gaya.
Iyan ang dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na isang kumpol ng mga bopol ang mga lider ng kasalukuyang oposisyon.
Nakapanghihinayang kasi’y marami ditto at batambata pa pero mukhang walang kauuwian kundi ang “maging artista, brodkaster at diyarista” sa hinaharap.
Nabaliktad na ang panahon.
Dati rati ang mga artista, brodkaster at diyarista ang nagiging politico.
Pero, ngayon ang mga kabataang politico ay tipong matinee idol at journalist sa paghahayag ng kanilang mga opinion.
Camera-conscious ang mga ito at tipong pa-impress at sabik sa publisidad.
Napakasasuwerte ni Ate Glo kasi’y walang maituturong “matalino” o “tigasing” lider ang oposisyon.
Lahat sila ay “artistahin”.
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home