Tuesday, May 09, 2006

Media palpak

(Bulgar editorial for; May 10 issue)

MAGULO na naman ang eleksiyon sa National Press Club (NPC).
Hindi na naman malaman kung sino ang dapat mamuno sa media sa Pilipinas.
Pero ang NPC ay isa lamang sa mga media organization sa bansa.
Gayunman, ito ang pinakapopular at malawak.
Bakit nag-aagawan sa puwesto sa NPC?May mina ban g kayamanan ditto?
Mayroon!
Karaniwan kasing iniimpluwensiyahan at nagpapaimpluwensiya sa mga politico ang mga nauupong lider ng NPC.
Marami ditto ay naitatalaga sa maseselang posisyon sa gobyerno kaya’t isang klase rin ito ng korapsiyon sa media.
Kinokontrol din ng mga NPC officials ang pangangasiwa sa NPC building at iba pang transaksiyon.
Ang poder o ang “impluwensiya” na matatanggap ng mga NPC officials ay mabilis na maiko-convert sa personal na biyaya ng mga lider kaya’t pinag-aagawan ang puwesto ditto.
Sa kasamang-palad, walang sinumang lider ng NPC ang nagbibigay ng proteksiyon sa hanay ng mga journalist kung saan karaniwang biktima ng salvaging o pagpatay.
Karaniwangv inutil at mga walang silbi ang nanunungkulan dito dahil imbes na proteksiyunan ang hanay ng mga mamamahayag, ang mga tao sa Malacanang ang kanilang napaglilingkuran.
Sana’y maayos mabuti ng KORTE ang gulo sa hanay ng mga mamamahayag.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home