Wednesday, May 10, 2006

Gudniyus

(for Bulgar, May 11 issue)

NANGAKO ang Saudi Arabia na pagkakalooban ng sapat na suplay ng petrolyo ang Pilipinas.
Pinatawad at pinalaya rin ng Hari ng KSA ang may 138 OFWs na nakakulong sa naturang bansa sanhi ng iba’t ibang klase ng kaso.
Iyan ang magandang balita.
Sana’y hindi manatiling nasa media lamang ang mga magandang balitang ito upang mapakinabangan ng publiko.
Pero ang sapat na suplay ng langis ay hindi garantiya na giginhawa ang buhay ng mga Pinoy dahil daraan pa rin sa mga oil traders ang naturang supply kung saan nakasandal pa rin sa umiiral na presyo sa world market.
Basta’t hindi nagkakaroon ng digmaan, mananatili may sapat na oil supply.
Ang problema ay magkano ba?
Mas mainam kung ang Pilipinas ay magkakaroon mismo ng IMBAKAN ng petrolyo sa Subic Bay kung saan maaaring mapaghandaan ang kakapusan ng supply sakaling magkaroon ng digmaan at maaari pang kumita ang ekstra sakaling magbago ang presyo.
Pero kung ang sapat na supply ay magdaraan din sa mga gahaman at sakim na Petron, Shell at Caltex—pagkikitaan lamang ng mga ito ang Pinoy.
Hindi rin naresolba ang problema.
Maganda lang itong pakinggan sa mga ulat ng media.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home