Wednesday, May 10, 2006

Autistic sa US

MAGTATAAS ng TOLL FEES ang Southern Luzon Expressway (SLEX).
Pukawnamoooo!

----$$--
DUMARAMI daw ang AUTISTIC sa US.
At isa ditto ay nagging PANGULO ng kanilang bansa.

-----$$---
BISTADO ang modus-operandi si GSIS General Manager Winston Garcia na nagpahayag na may BUYER siya ng magbabayad ng P95 per share sa Equitable PCIBank.
At matapos guluhin ang MERKADO—umatras ang kanyang buyer.

-----$$$---
MALINAW na sinasabotahe mismo ni Garcia ang nakatakdang MERGER ng PCIBank at Banco de Oro.
May ulat na ang sinasabing “buyer” ni Garcia ay ang nagpapakilalang “panganay” na anak ni dating Pangulong Marcos—na si EDILBERTO MARCOS.
Huhhh, hindi kaya magalit ditto si Mareng Imee Marcos?

-----$$--
KINUKUWESTIYUN sa United States ang pagkatao ni “Edilberto Marcos” na nahaharap din sa iba’t ibang kaso.
Kung totoo na si “Edilberto” ang sinasabing buyer ni Garcia—delikadong makasuhan siya ng PANANABOTAHE.

-----$$--
PINUPUWERSA ng Security and Exchange Commission (SEC) si Garcia na ibunyag ang pangalan ng kanyang “secret buyer”.
Kaya’t bigla itong UMATRAS.
Ngayon, walang duda na MABABARAT na nang todo ang halaga ng “sosyo” sa PCIBank.
Kumbaga, nagulo na nang todo ang isyu.

----$$$---
SA totoo lang, dapat nang sibakin si Garcia dahil malinaw na nabababoy na ang takbo ng GSIS kung saan delikadong mapahamak ang “multi-bilyong-pisong” premiums ng mga government workers.
Dapat nang kumilos ditto si Ate Glo.

-----$$--
NANGANGANIB din mawalan ng halaga ang sosyo ng SSS na nagmula sa private employees at nakalagak sa PCIBank.
Nagkaloko-loko na si Juan.

-----$$--
NAGBALIK na naman ang JUETENG.
At ginamit nang “front” ang PCSO- STL.
Tsk, tsk, tsk, marami na ang NAG-IIPON para sa 2007 elections.

----$$--
BIBIGYAN na ng DAR ng kanya- kanyang TITULO ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita.
Malaking gulo ito.

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home