Pisenorder
(for Bulgar editorial, May 26 issue)
PARAK na naman ang itinuturong bumaril at nakapatay sa isang broadcast journalist sa Palawan.
Pulis din ang sinasabing kumitil sa buhay ng isa ring journalist na si Albert Ursolino.
Sa simpleng sitwasyon, madaling matukoy ang dahilan kung bakit hindi nareresolba at patuloy ang walang habas na pagpatay sa mga mamamahayag—ito, ay dahil sa ang pangunahing SUSPEK ay karaniwang mismong mga miyembro at opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Maging ang tangkang pagpatay kay Bulgar columnist Pablo Hernandez ay isa ring parak at opisyal ng PNP pero hindi pa rin nareresolba ang kaso bagaman may naarestong aktuwal na suspek sa pananaksak.
Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na ang gobyerno ang may responsibilidad na malutas ang mga kaso at sakaling hindi ito maresolba sa lalong madaling panahon, mapupuwersa ang International Community na manghimasok sa mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.
Ang pagsisinungaling at mismong pag-amin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dinukot nila ang limang supporters ni dating Pangulong Erap ay isang matibay na ebidensiya ng paglabag sa karapatang pantao.
Kapag ang isang gobyerno na may kontrol ng “malalakas na armas” ay hindi tumutupad sa “social contract” kung saan dapat proteksiyunan ng pamahalaan ang mga mamamayan—nawawalan ng kabuluhan dito ang prinsipyo at PILOSOPIYA NG PAGKAKAROON NG GOBYERNO.
Delikado ang ganyang paglalarawan at sitwasyon dahil aktuwal na masasabing “hindi nage-exist” ang PEACE AND ORDER” sa Pilipinas.
Tanging ang may “peace and order” lamang ay ang mga may kontrol ng armas na pamatay ng tao, pero ang walang-armas na sibilyan—ay pawang hindi nakakatikim ng aktuwal na KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN at KAAYUSAN sa lipunan.
Dapat ay malutas agad ito ni Ate Glo, bago manghimasok ang mga DAYUHAN—partikular ang pakialamerong mga Kano.
---30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home