Thursday, January 11, 2007

New opponent ni Pacman: Si Misis

(Bulgar newspaper, January 13 issue)

NAHAWA na sa bird flu ang mga tao sa South Korea.
Nanangkupooo!

----$$$--
MAGBUBUO ng “third force” ang mga ex-senators.
O, e, ano ngayon?

----$$$--
HINDI malaman kung sino ang NAMBOBOMBA sa Mindanao.
Baka sila-sila rin!

----$$$---
APAT na head of state ang darating sa bansa.
Kaya pala sinasalubong sila ng BOMBA.

----$$$---
HINDI na pumalag at nagreklamo si Cavite Gov. Ayong Maliksi sa suspension ng DILG.
Nanahimik na lang siya.
Iyan ang NAPAKA-DELIKADO!

----$$$--
NILAGDAAN na ni Ate Glo ang BIO-FUEL Law.
Hindi kaya MAGALIT dito ang Big 3 oil companies?
At suportahan ang “kaguluhan”.

-----$$$--
KAKANDIDATO pala ang biyuda ni dating presidentiable Raul ROCO.
Hindi po ROCA ang gagamitin niya, kundi SONIA.

----$$$---
PINAGBIBITIW ni Rep. Chiz Escudero ang kanyang kumpadreng si Sec. Mike Defensor sakaling hindi makalaya si Pareng Erap.
Oopps, may TALO siya dyan—kasi talagang MAGBIBITIW si Baby Mike dahil kakandidato nga.

------$$$---
NAMATAY sa vehicular accident ang dating Marlboro Tour champion Romeo Bonzo sa habang nagmamaneho ng motoksiklo.
Sinundan niya ang YAPAK ni ex- Tour champion Jacinto Sicam na NAMATAY din nang mabundol ang sinasakyang motorbike.
Nakikiramay po tayo!

-----$$$--
DESIDIDO si Big Mike na idemanda ang lahat ng JOURNALIST na naglalabas ng negatibong artikulo laban sa kanya.
Napaka-POGI pala ni FG.
Pogeeeeee!

----$$$---
MALABONG malabo na ang laban ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera.
At siyempre, naging BATO ang $5 milyong premyo.
Hindi kaya LABANAN siya ngayon ng kanyang misis?
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home