Thursday, December 28, 2006

Rizal nabuhay

(Bulgar newspaper, dec 30, 2006 issue)

RIZAL Day ngayon!
Kung buhay si Dr. Jose Rizal sa ating kapanahunan, ano kaya ang kanyang magiging papel?Maging sepsep kaya siya sa administrasyon o maging lider ng oposisyon?
Mabuwiset din kaya ang intellectual na si Dr. Rizal sa palagiang pananalo ng mga showbiz, sports at tv personalities sa mga eleksiyon?
Suportahan din kaya niya ang Charter Change sa paniniwalang dapat na makontrol lamang ng mga edukado ang gobyerno at walang puwang ditto ang mga school dropout tulad ni Gat. Andres Bonifacio?
Babatikusin kaya ni Rizal ang panghihimasok ng US particular ang panggagahasa ni Lance Corporal Daniel Smith kay Nicole?
Tulad ng nais ni Rizal na kilalanin ng Spanish Cortes ang Pilipinas bilang lehitimong bahagi ng Espanya (imbes na rebolusyon sa pag-agaw ng Independensiya), isulong kaya ng bayani ng Laguna na gawing Estado na lamang ng US ang Maynila—tulad sa Hawaii?
Gagawa rin kaya ng ikatlong bersiyon ng Noli at Fili si Rizal upang batikusin ang IMORALIDAD at kabulukan ng KAMALAYAN ng mga Pinoy kung saan sugapa ito sa mga sugal at kinukunsinte ang mga awtoridad na NAKAWIN ang kaban ng bayan?
Makatanggap kaya ng kastigo ang mga religious leader kay Rizal?O magkasya na lamang na magtayo ng sariling charismatic group ating pambansang bayani.
Nakakalungkot isipin na walang maayos at makabuluhang aktibidad ang gobyerno kung paano gugunitain ang Kamatayan ni Dr. Jose Rizal—maliban sa babala ng pag-atake ng mga TERORISTA.
--------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home