Doble gahasa
(Bulgar newspaper, for: january 02 issue)
NILOLOKO ng Malacanang ang mga Pinoy gamit ang mga engot sa media practitioners sa pagsasabing isang tunay na tratado o TREATY ang Visiting Forces Agreement (VFA) na ginagamit na katwiran nang “itakas” si convicted rapist Lance Corporal Daniel Smith ng US marines mula sa Makati City Jail.
Kahit si Sen. Juan Ponce Enrile ay sumali pa sa pagdedepensa sa VFA sa katwiran daw na kailangang proteksiyunan ang SOBERANIYA ng US at hindi lang ang dignidad ng Pilipinas.
Sa totoo lang, hindi kinikilala ng US ang naturang VFA bilang TREATY—kasi'y pa naman nila ito NIRARATIPIKAHAN upang maging ganap na “kasunduan”.
Para kina Ate Glo at Enrile, para lang proteksiyunan ang Kano—okey lang na bastuhin ang JUDICIAL PROCESS sa bansa.
Sa pagkakatakas ni Smith tungo sa US embassy, hindi lang si Nicole ang kanyang GINAHASA—kundi NAGAHASA na rin ang INANG BAYAN—ang masakit, KUSANG-NAGPAGAHASA ang ating Republika!
Walang kapatawarang ang ganitong modernong krimen.
Ang US embassy, ay bahagi ng US territory batay sa international law—hindi rin masasakop ng Korte Suprema ang mga taong nasa loob ng bisinidad nito!
Inagaw si Smith mula sa Makati City Jail nang hindi idinaan sa “maayos” na judicial process!
Isang napakasamang precedent nito lalo pa't ang mismong Malacanang ang nag-utos.
Nabura na rin ang tinatawag na co-equal branches ng Executive (Malacanang), Legislative (Congress) at Judiciary (Judicial Court).
Hindi natin alam kung paano ito i-interpret ng Supreme Court at mismo ng mga opisyal at enlisted men ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nanumpa kasi ang mahistrado, hukom at sundalo na IPAGTATANGGOL ang Konstitusyon at Republika mula sa interest ng mga DAYUHAN.
Hindi natin isasali sa usapan ang Kongreso.
Obvious kasi na HINDI SILA BILIB sa 1987 Constitution na paulit-ulit din nilang
ginagahasa at pinagtatangkaang i-SALVAGE!
-------30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home