Friday, December 29, 2006

Bistado—31dec06

(bulgar newspaper, Bistado, editorial for: dec 31 issue)

BAGONG Taon na mamamaya.
Ingat po tayo sa sunog.
Bagong taon, bagong bahay!

----$$$--
TATAAS nang P3 kada litro ang LPG gas.
Bad news sa New Year.

-----$$$--
PINAYAGAN ng Sandiganbayan si Pareng Erap na makapag-New Year kasama ang kanyang nanay.
Mabuti naman.
Makakabuo na siya ng senatorial slate.

----$$$---
NAARESTO na si Abra Gov. Vicente Valera.
Hindi dahil sa murder kundi dahil sa TRAFFIC VIOLATION.
Ngekkk!

----$$$--
BAWAL daw ang PVC CANON bilang pangsalubong sa Bagong Taon.
Talagang KILLJOY kayo!

---$$$---
NIRESBAKAN ng mga journalist ng CLASS SUIT si FG Mike.
PAGSALUBONG yan sa year 2007—tadtaran ng kaso sa korte.

----$$--
KAKANDIDATO rin palang senador si Edu Manzano.
Dalawa na ang magiging “VILMA SANTOS” sa Senado.

----$$$--
PAANO kaya kung kumandidato rin si Gabby Concepcion at manalo kasabay ni Sen. Kiko Pangilinan.
Dalawa rin ang magiging “SHARON CUNETA” sa Upper chamber.

----$$$--
LUMAKI na ang ulo ni Manny Pacquiao sa pagsasabing: Hindi siya ang naghahabol—kundi siya ang HINAHABOL ng mga kalaban.
Mas mainam sana kung mas LUMAKI ang kanyang KAMAO kaysa sa kanyang ULO.

----$$$---
NAKIUSAP si Saddam Hussein sa kanyang mga kababayan na HUWAG KAMUHIAN ang mga Kano kahit iutos ng mga ito ang PAGBITAY sa kanya.
Talagang FEELING MARTIR siya.

-----30---


head: Happy New Year

TALIWAS sa pagdiriwang ng Pasko na para lamang sa piling relihiyon, sasalubungin mamayang madaling araw ang Bagong Taong 2007!
Inaasahang marami ang mabibiktima ng paputok, pailaw at iba pang klase ng pagsalubong sa Bagong Taon pero hindi nito mapipigil ang isang tradisyon na yinayakap ng buong daigdig.
Sa Pilipinas, libo-libong Pinoy na nabiktima ng mga pambihirang trahedya ang hindi magiging masaya sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil marami ditto ay naulila, nawalan ng bahay at mapagkakakitaan.
Sa kabila ng matatag na piso sa pagpasok ng Bagong Taon, patuloy pa ring nagdarahop ang milyon-milyong Pinoy kasabay ng patuloy ng pagyaman ng mga dati nang multi-bilyonaryong Pinoy.
Magkakasya na lamang ang mga ordinaryong Pinoy sa improvised PVC pipes na ginagawang pampasabog na tatanghod na lamang sa mga multi-milyonaryong pagpapasabog ng libo-libong pisong halagang bomb shell at firecrackers na magpapaliwanag sa kalawakan.
Anu’t anuman, sana’y mabigyan ng mabuting biyaya ng Panginoon an gating bansa at 80 milyong Pinoy sa taong 2007.
Ipagdasal nating mamulat ang matataas na opisyal ng ating bansa na pagmalasakitan ang mga nagdarahop nating mamamayan.
MANIGONG BAGONG TAON po sa inyong lahat!
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home