Monday, January 01, 2007

Year of the Puppet

(Bulgar newspaper, january 02, 2007 issue)

AY, wakas, natapos na ang 2006.
Ipagdasal nating MABUTI ang hatid ng year 2007!

----$$$--
BUNTALA ng Mars ang kokontrol sa 2007—dahil taglay nito ang No.9.
Ang Mars ang God of War.
Asahan ang mga giyera.
Dito na kaya magaganap ang World War III?
At EDSA 4?

-----$$--
MALABO na ang rematch nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.
Iyan ang unang BAD NEWS sa 2007.

----$$$---
PUMALO na sa 3,000 US troops ang natepok sa Iraq.
Higit ito sa 2,900 katao na namatay sa pagkawasak sa World Trade Center sa New York.
Kumbaga, mas maraming KANO ang natepok kaysa sa bilang ng kanilang IPINAGHIHIGANTI.

----$$$--
INILIBING na ang bangkay ng binigteng si Saddam Hussein.
At least, hindi siya ginawang GINILING.

-----$$$--
IPINAYO ni Saddam sa mga Iraqis na huwag MAMUHI sa mga taong BUMITAY sa kanya.
Naniniwala siya na ang PAGKAMUHI ang SUMISIRA sa isip ng tao upang MAKAPAGDESISYON NANG TUMPAK.
Huwag po tayong MAMUHI kay Ate Glo.
Kahit DAIG pa natin ang BINITAY sa nagdaang taon.

----$$$--
BINASTOS ng Malacanang ang sariling BATAS at SOBERANIYA nang itakas ang convicted rapist na si Daniel Smith sa Makati City Jail.
Wala duda na ngayon ay YEAR OF THE PUPPET.

----$$---
KUNG paano dinidiktahan ng US ang Iraq, gayundin ang PAGHAHARI-HARIAN nila sa Pilipinas.
Hindi puwedeng pumalag ang Malacanang.
Kasi'y maaari silang MA-KUDETA—ng panibagong grupo ng mga TUTA.

----$$$---
ISA pang vice mayor ang binaril at napatay sa Capiz kasama ang dalawang bodyguards.
Ooopp, may BATAS pa ba?

----$$--
NILABAG muli ni Ate Glo ang Konstitusyon nang AGAWIN si Smith sa Makati City Jail.
Ito ang JAILBREAK na tinulungan pa ng Malacanang.
Kakahiya!
Kakasuka!
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home