Monday, January 30, 2012

BATTLE OF CALOOCAN, 2012

MONDAY, JANUARY 30, 2012

BATTLE OF CALOOCAN, 2012
ISANG masalimuot na kaso na kinasasangkutan ng mga local government executives ay ang isyu ng agawan sa poder sa Caloocan City.
Marami pa rin ang hindi makaunawa kasi’y nagsala-salabat ang DESISYON ng hukuman ditto.
Pero, sa pinakahuling hatol ng Regional Trial Court ay naglabas ito ng tinatawag na Writ of Preliminary Injunction kung saan aktuwal na pinigil ang mismong Department of Interior and Local Government (DILG) na ihain ang suspension order laban kay Mayor Enrico Echiverri at tatlong iba pang opisyal ng lungsod.
Ibinatay ni RTC Branch 125 Judge Dionisio Sison ang desisyon sa isinumite ni Echiverri na desisyon naman ni RTC Branch 128 Judge Eleonor Kwong na naglabas ng tatlong araw na temporary restraining order (TRO) kaugnay ng naturang kaso.
Ipinaliwanag ni Sison na inilabas ang writ of preliminary injunction dahil hindi pa final at kasalukuyan pang DINIRINIG ang kaso sa Office of the Ombudsman kaya’t dapat igalang ng DILG ang TRO at injunction.

-----$$$--
MALINAW ito sa desisyon ni Sison: “Without delving into the propriety of the TRO (Temporary Restraining Order), which is legal issue that is solely subject to the determination of the courts, nor into the merits of all the cases now pending, as matters stand at present, the DILG has been enjoined to refrain from implementing the order of preventive suspension issued by the Office of the Ombudsman. Any action to of the DILG which is contrary to the TRO might just add to the now series of cases brought in connection with the main case still pending at the Office of the Ombudsman”.
Sumalimuot ang isyu dahil din siyempre sa teknikalidad ng batas kung saan ang lahat ng panig ay nais marinig ng hukuman.
Ang malinaw ditto, hindi pa tapos ang kaso at patuloy pa ang iringan ng magkakabilang pangkat, pero sa kasalukuyan, mananatili pang umaaktong mayor si Echiverri.

----$$$---
NAG-UGAT ang kaso nang magsampa ng kasi si Vice Mayor Egay Erice sa Officer of the Ombudsman noong Hulyo 2011 laban kay Echiverri, City Treasurer Evelina Garma, City Budget Officer Jesusa Garcia at City Accountant Edna Centeno dahil umano sa hindi pagre-remit ng monthly contribution ng mga city hall employees sa GSIS.
Taliwas sa daan-daang kaso na nakapending, mabilis na inaksiyunan at naglabas agad ng kautusan si dating acting Ombudsman Orlando Casimiro na nagpapataw ng six- month preventive suspension kay Echiverri at sa tatlo pang opisyal.
Pero, naghain ng mosyon si Echiverri sa Court of Appeals hanggang sa mag-isyu ng TRO ang mga huwes upang pigilin ang suspension order na sinundan naman ng writ of injunction.
Gayunman, biglang binalewala ng Court of Appeals ang naunang inilabas na injunction at muling pinaiiral ang suspension order kung saan napasali na rin sa isyu ang mismong DILG.
Lingid sa kaalaman ng marami, bago pa magsampa ng reklamo si Erice sa Ombudsman ay ilang beses nang nag-uugnayan ang city hall at GSIS para maiayos ang records ng pagbabayad ng mga empleado.
Matapos ang reconciliation of records ng mga city hall employees sa GSIS ay lumagda ang magkabilang panig sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang tuluyan nang maresolba at isarado ang kaso.
Ngayong tapos na ang UGAT ng problema sa pagitan ng GSIS at Caloocan City Hall, pero nananatiling NAKASALALAK sa Ombudsman at hukuman ang kasong nagpapagulo sa mga mamamayan ng Caloocan City..
Ang kasong ito sa CALOOCAN CITY ay repleksiyon kung gaano KASALIMUOT ang JUDICIAL SYSTEM sa bansa tulad sa nasasaksihan nating IMPEACHMENT TRIAL.
Pinagagrabe ito ng isyung political kung saan nalalapit na naman ang 2013 national at local elections.
Sa bagay, mas mainam na mag-away sila sa KORTE kaysa dumanak ang dugo sa harap ng Monumento ni Gat. Andres Bonifacio.

(BISTADO column, Bulgar newspaper, Jan 31, 2012 issue, unedited:
CC: editorsdiary. blogspot. com/ bistado.blogspot.com /cybertimes.blogdrive.com/ bistado.blogdrive.com)
POSTED BY MY DIARY, EDITOR'S FILE AT 1:38 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home