Saturday, January 01, 2011

Tuwid na daan, bako- bako nga lang

Tuwid na daan, bako-bako nga lang!!

(For Bulgar newspaper's editorial for jan 02, 2011 issue)

WALANG duda, magsasagawa ng malawakang pagbalasa si PNoy.
Marami siyempre ang masosorpresa.
Ipinahayag ni Executive Secretary Jojo Ochoa ang pagbuwag sa siyam na ahensiya na dating nasa ilalim ng Office of the Presidente (OP) kabilang ang kontrobersiyal na Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na sinasabing duplikasyon ng ilang ahensiya kabilang ang Bureau of Customs.
Malaki ang matitipid ng gobyerno sa naturang pagtiklop ng naturang na mga ahensiyang nilikha lamang upang mabigyan ng trabaho at kunsintehin ang kapritso ng mga alalay ng dating pangulo.
Pero, nakakatiyak kaya tayo na hindi papalitan ito ng “bagong ahensiya” at “bagong sepsep” sa Malacanang?
Karaniwan kasing ang pagbabago ay sa pagpapalit lang ng tao—pero ang pesteng pagnanakaw sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng “kaliwa’t kanang” appointment” sa mga inimbentong ahensiya ay nananatilingng pasanin ng pondo ng bayan.
Nakatuon pa rin ang atensiyon at mata ng publiko kay PNoy.
Ipagdasal nating totohanin niya ang paglakad sa TUWID NA DAAN.
Pero, sana tiyakin niyang lalakad siya sa pulido at hindi sa BAKO-BAGONG LANSANGAN na diretso rin pala sa BANGIN NG KADILIMAN.
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home