Saturday, January 28, 2012

US CONGRESS, OMB; KNOCKED OUT

(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Jan. 12, 2012 issue, unedited)
HALOS sapawan ng isyu ng pagbili ng pirated DVDs ni Sec. Ronald Llamas ang bangayan sa impeachment trial at kasong electoral sabotage.
Kumbaga, nagsilbing pamutat ito sa telenobelang Pinoy kung saan nakasalang sa paglilitis si Chief Justice Renato Corona; at kaso si Ate Glo.
Pinutakte ng media si Llamas na mistulang nakapatay ng isang katerbang sibilyan.
Natabunan ng populariad ni Llamas ang tunay na isyu sa piracy at kung bakit ito hindi maawat- awat.
Kasabay ng kontrobersiyal na aktuwal na video clip ng pagbili ng pirated products sa isang mall, nabahag naman ang buntot mismo ng US congress sa katulad ding isyu: Talamak na pagnanakaw ng intellectual property kung saan ang itinuturing na SALARIN ay ang mala-DRAGON na GOOGLE at WIKIPEDIA.
Sumuko at itinigil ng US Congress ang deliberasyon sa panukalang batas na “STOP ONLINE PIRACY ACT (SOPA) nang iparalisado, isarado at ITIKLOP ng GOOGLE at WIKIPEDIA nang sabay ang kanilang serbisyo sa INTERNET DATA RESOURCE ARCHIEVE.
Ang pagtameme ng US Congress ay hindi nagkalayo sa pahayag ni Optical Media Board (OMB) chief Ronnie Rickets na WALANG BATAS na nilalabag sa pagbili ng UNAUTHORIZED COPIES ng DVDs at CDs.
Namutla at nanggigil sa galit ang mga kritiko tulad din ng pagkapahiya ng mga mambabatas ng US nang sumuko sa BOYKOT ng Google at Wikipedia.
Sa totoo lang, hindi maawat ng sinumang pinakamakapangyarihang lider o gobyerno ang pagsi-SHARE, pagkopya, pag-download at aktuwal na PAMIMIRATA at PAGNANAKAW ng mga intellectual property sapagkat, ang SIBILISASYON ay naiwan sa pansitan ng super-bilis na pag-unlad ng TEKNOLOHIYA.
Sa Pilipinas, hindi maawat ang pagprodyus ng PIRATED DVDs sapagkat isinusuka ng milyon-milyong KONSIYUMER ang “sobrang taas ng presyo” ng LEHITIMONG KOPYA.
Sa 3-for-P100 na bentahan ng pirated DVDs ay malayo ang presyo ng mga suwapang na TRADERS ng “lehitimong kopya” na pumapalo sa mahigit P100 kada kopya o mahigit pang P200 komporme sa klase ng nilalaman.
Tinatangka kasi ng mga BUWAYANG multi-national manufacturers na DIKTAHAN ang lahat ng GOBYERNO upang magkamal ng libo-libong kita imbes na IBAGSAK ang presyo upang maabot ng masa.
Ang halaga ng “blank copy” ng DVD at CD ay aabot lang sa P2-P3, pero bakit ibinebenta ang “ORIGINAL COPY” sa mahigit P100 o mahigit pang P200 kapag bago ang “content”—sino ang nagkakamal ditto?
Ang isyu kay Llamas na minalas lang na makuhanan ng video clip, ay bumubuhay sa tunay na isyu ng TEKNOLOHIYA, EKONOMIYA, at POLITIKA.
Sa pagnanasang matikman ang modernisasyon sa PINAKATIPID na paraan ay napagitna siya sa maselan at matinding AWAY-POLITIKA—na sumapaw din sa masalimuot na TELENOBELA ng Impeachment Trial at Electoral Sabotage ni Ate Glo.
(Cc: bistado.blogdrive.com/cybertimes.blogdrive.com/bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home