Wednesday, January 05, 2011

Multiple taxation sa iisang "Sari-Sari Store"

(Editorial message, bulgar newspaper for jan 06, 2011 issue)

PITONG rehiyon sa apektado ng MALALAKING pagbaha.
Pero, hindi pa NASISIMULAN ang konstruksiyon ng BARKO NI NOE.
Baka WALANG BADYET.
Hindi kasi naisama sa P1.6 TRILYONG budget act.

------$$$---
NAPAG-UUSAPAN na rin lang ang BADYET, okey ang pahayag ng Malacanang na ibibisto at ilalantad sa PUBLIKO kung paano gagastusin ang badyet ng Office of the President (OP).
Isang PRECEDENT ito ng isang PRESIDENT.

-----$$$---
IBINUNYAG ni Executive Secretary Jojo Ochoa na ipatutupad nila ang TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY.
Klap! Klap! Klap!

-----$$$---
KINUMPIRMA ni Ochoa na regular nilang IUULAT sa publiko kung paano ginagastos ang OP budget.
Taliwas sa dating administrasyon na BARA-BARA ang paggasta at walang direksiyon, ITINAKDA na nang espesipiko kung ano-ano ang GUGULIN ng bawat opisina na nasa ilalim ng executive secretary.
Kumbaga, hindi na magmumula sa LUMP SUM APPROPRIATIONS ang mga gugulin.
Sana’y maipatupad nila yan nang WALANG REREKLAMO.

-----$$$--
IBIBISTO daw agad ang mga GASTUSIN sa lahat ng BIYAHE ni PNoy sa labas ng bansa.
Kasama kaya ang BADYET sa hotdog at fishball sa mga bangketa sa ibang bansa?

-----$$$---
AABOT sa P4.07 bilyon ang OP budget, mas mababa nang P200 milyon kompara noong nakaraang taon na “P4.25 bilyon”.
Binawasan din ang INTELLIGENCE FUND ng Malacanang mula sa P600 milyon noong 2010 tungo sa P400 milyon ngayong 2011.
Sana’y hindi rin MABAWASAN ang “INTELLIGENCE” ng mga alalay ni PNoy.
Kumbaga, BAWAS din kasi ang “PAMPATALINO”.
He, he, he.

----$$$---
BABABA daw ang singil sa konsumo ng elektrisidad sa buwang ito.
Isang PANIWALAAN-DILI ini.

----$$$---
ISANG KUMANDER ng CPP-NPA ang naaresto sa Quezon Province.
Iyan ang EPEKTO ng “TIGIL-PUTUKAN”.
Nagsilabas sa “lungga” ang mga rebellde.

-----$$$---
NA-KODAKAN mismo ng isang BGY, KAGAWAD ang mismong SUSPEK na bumaril at nakapatay sa kanya.
Kumbaga, nakipag-DRAW siya sa pag-SHOOT.
Yun nga lang, CAMERA ang hawak niya at BARIL ang hawak ng asesino.
Pang- Guinness Book of World Records yan.

-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home