Wednesday, January 05, 2011

Multiple taxation sa iisang Sari-Sari Store

(Editorial message for bulgar newspaper, jan. 06, 2011 issue)

DAPAT ay magtulong-tulong ang lahat ng sector sa plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na itaas ang singil sa pagkuha ng business name na rekititus sa pagsisimula ng negosyo o “pangarap” na makapagnegosyo.

Ibig sabihin, hindi lahat ng kumukuha ng “business name” ay `natutuloy sa pagnenegosyo sapagkat ito lamang ay unang hakbang bago makakuha ng “mayor’s permit” sa aktuwal na pagnenegosyo.

Sa totoo lang, ang paniningil sa pagkuha ng “business name” ay kabilang sa tinatawag na “multiple tax scheme” ng gobyerno—sa IISANG NEGOSYO.

Sa isang sari-sari store na may capital lamang na “P1,000 hanggang P5,000”, magbabayad ito ng pinakamaliit na P300 sa business permit.

Ikalawa ay magbabayad din ito ng “barangay clearance for business” na papalo sa P500.

Ikatlo, magbabayad ng panibagong P5,000 hanggang P10,000 sa pagkuha ng MAYOR’S PERMIT sa naturang ding “sari-sari store”.

Ikaapat, magbabayad din ng “aktuwal na buwis” sa BIR ang naturang may-ari ng “sari-sari store”—hindi pa kasama ang gastusin sa pagpapaimprenta ng “OFFICIAL RECEIPT”.

Ikalima, magbabayad pa ng panibagong “INDIVDUAL INCOME TAX” ang naturang may-ari bukod ang ibinayad sa “business tax” taon-taon.

IKAANIM—kapag kumuha ng RESIDENCE CERTIFICATE o SEDULA—hindi ba’t tinatanong ang “annual income”?—at BUBUWISAN din ito at aktuwal na BABAYARAN sa munisipyo.

Lintek—ANIM NA KLASE ng buwis—sa iisang NEGOSYO na “sari-sari store”.

Kapag sinuma mo, MAS MALAKI pa ang kabuuan ng ANIM NA KLASE NG BUWIS—kaysa sa KAPITAL na gagamitin sa NEGOSYO.

Karaniwan nangyayari, kumukuha ng BUSINESS NAME, pero hindi na nakapagnenegosyo—sapagkat DINAMBONG na gobyerno ang kanyang KAPITAL sa “sari-sari store”.

Hindi pa kasama dyan ang “real property tax” sa lugar ng negosyo o buwis mismo ng lupa at tindahan.

PITONG klase ng buwis—sa IISANG NEGOSYO!!!

Legal yan, ayon sa KORTE SUPREMA!!!

Kahit “TALIWAS” ito sa itinatadhana ng KONSTITUSYON kaugnay ng probisyon sa “double taxation”.

-----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home