Sunday, January 29, 2012

US TROOPS TO PHL: WELCOME WITH OPEN LEGS

Sunday, January 29, 2012
US TROOPS TO PHL: WELCOME WITH OPEN LEGS
US TROOPS TO PHL: WELCOME WITH OPEN LEGS

(BISTADO Column, Bulgar Newspaper, Jan, 12, 2012 issue, unedited)
MUKHANG MATATAPOS na ang political career ng anak nina Tita Cory at Sen. Ninoy.
Kasi’y lantaran nang KUMAMPI si PNOY sa United States imbes na manatiling NEUTRAL sa US-CHINA conflict.
Inilabas kasi sa OPISYAL na pabalita na “WELCOME” sa Malacanang ang pagpasok ng karagdagang bilang ng US TROOPS.
Kumbaga, tinanggap natin ito “WITH OPEN LEGS”.
Nakakahiya.

-----$$$--
SA mga ulat kahapon, NAGBANTA ang China na BABAWASAN na ang ECONOMIC ACTIVITIES sa Pilipinas dahil nagpakita nan g TOTOONG KULAY ang Malacanang.
Nagbanta rin ang CHINA na reresbak sila sa MASAMANG DESISYON ng Malacanang na pumabor sa US imbes na manahimik na lamang ito.
Wala pang REAKSIYON ang Malacanang hinggil sa “warning” ng China.

-----$$$--
MALINAW na isang POLITICAL BLUNDER ito.
Blunder ito sa international sa diplomacy.
Blunder ito sa economic policy.
Blunder ito sa PARTISAN politics.
Blunder ito sa LIDERATO bilang AMA ng bansa.

-----$$$---
KAPAG iniatras ng China ay ang mga TRANSAKSIYON pang-EKONOMIYA sa Maynila, kayo na ang HUMULA at magbigay ng PREDIKSIYON.
Hindi ba’t LULUHOD sa lupa at mababali ang gulugod ng ating ekonomiya?
Paano tayo MATUTULUNGAN ng isang NABABANGKAROTENG KANO.
Tanging ang CHINA lamang ang SUPER POWER na may matatag na EKONOMIYA.
Bilyong katao ng China ang POTENTIAL CONSUMERS n gating produkto.
Ang CALL CENTER business na nagbibigay ng TRABAHO sa libo-libong PINOY—ay garapalang BINASTED at binabangkarote mismo ni US President Barrack Obama, pero bakit ang KANO pa ang kinampihan ng Malacanang?
Ito ang “NUMBER ONE (1) BLUNDER” ni PNoy sa kanyang buhay”.
Ano ang ikalawang blunder ni PNoy?
No. 2 blunder niya ang HINDI PAG-AASAWA.

------$$$--
MUKHANG bubuwenasin nang hindi sinasadya si CJ Renato Corona.
Kasi’y KAPAG tinotoo ng CHINA ang RESBAK at pagboykot sa PILIPINAS—malilipat ang ISYU at PROPAGANDA laban kay PNoy.
Mukhang tama ang TAKTIKA ng ADVISER ni Corona .
Hindi na kailangang “resbakan ng kapwa propaganda” ang Malacanang.
Manahimik na lang ang KAMPO ni CORONA—at mag-ANTAY ng SERYE ng mga BLUNDERS ni PNoy.
Hummm, may katwiran.
(CC:bistado.blogspot.com/ bistado.blogdrive.com/ cybertimes.blogdrive.com/ editorsdiary.blogspot.com)

posted by MY DIARY, EDITOR'S FILE at 1:06 AM
0 Comments:

Post a Comment

<< Home

0 Comments:

Post a Comment

<< Home