Monday, January 30, 2012

CHINESE GAMBIT

MAHUSAY magdiplomasya ang China.
Imbes na magalit at rumesbak sa Pinas ay nagpasensiya sila.
At natuwa naman agad ang Malacanang.
Natuwa sila, akala kasi nila ay “nauwaaan” at “totoo na pinagpasensiyahan” sila.
Mali.
Kapag sinabing diplomasya, hindi mo IBIBISTO ang totoo mong saloobin.
Kahit masama ang loob mo at naiirita ka, hindi mo ibibisto ang ‘sarili mong emosyon”.
Ibig sabihin, hindi totoo na BALEWALA lang sa China ang deklarasyon ng Malacanang na PARAMIHIN ang bilang ng US TROOPS sa Pilipinas.
Hindi na mahahalata ng Pilipinas nagalit ang China sa PAMAMAGITAN ng media o DAKDAK tulad sa bangayan sa impeachment trial.
Mabibisto natin yan sa mga susunod na mga desisyon at pagkilos ng CHINA—kung saan ‘baka mapikon” ang Malacanang.
Ibig sabihin, kapag namalagi sa Spratlys ang mga barko de giyera ng China ay huwag kayong IIYAK at papalag, kayo naman ang nakatoka na “MAGPASENSIYA” at mag-DIPLOMASYA.
Kapag kinansela ng China ang ilang TRADE AGREEMENT at ilang kontrata o pag-ayuda sa ating ekonomiya—ay hindi tayo dapat mag-TATALAK, bagkus ay mag-DIPLOMASYA rin tayo.
Hindi pa natin ngayon makikita—KUNG NAGALIT o hindi nagalit ang CHINA sa pakikipag-ULAYAW ng Maynila sa US.
Matutuklasan lang natin yan kapag NAKATIKIM na tayo ng MATINDING DAGOK mula sa natutulog na DRAGON.
(EDITORIAL, , Bulgar newspaper, Jan 31, 2012 issue, unedited:
CC:editorsdiary.blogspot.com/bistado.blogspot.com/ cybertimes.blogdrive.com/ bistado.blogdrive.com)

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home