Sunday, August 15, 2010

NCAA: Letran vs EAC

By LUCAS P. CRISOSTOMO

86th NCAA W L

San Beda 7 0
San Sebastian 7 0
Jose Rizal 5 2
Mapua 5 2
Arellano 3 5
Letran 2 5
Emilio Aguinaldo 2 5
St. Benilde 1 6
Perpetual Help 0 7

Mga Laro Ngayon (The Arena)
10 am - EAC vs. Letran (Jrs)
12 nn - St. Benilde vs. Perpetual Help (Jrs)
2 pm - EAC vs. Letran (Srs.)
4 pm - St. Benilde vs. Perpetual Help (Srs.)

APAT na koponang nasa ibaba ng standings ang maghahangad na wakasan ang first round scehdule ng 86th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa pamamagitan ng [panalo ngayong hapon sa The Arena sa San Juan.
Sa unang laro sa ganap na 2 pm aymaghaharap ang Letran Knights at Emilio Aguinaldo College generals na kapwa may 2-5 record. ito’y susudan ng pagtutuos ng College of St. Benilde at Perpetual Help.
tng Knights ae Generals ay kapwa galing sa masasaklap na kabiguan noong Biyernes. Ang mananalo sa kanila mamaya ay makakasosyo ng Arellano University (3-5) Chiefs sa ikalimang puwesto.
Ang Letran ay naungusan ng Chiefs, 78-76noong Biyernes. Sa larong iyon ay nilamangan nila ang Chiefs ng 15 pntos sa first quarter subalit nalimita sa pitong puntsos sa second period at tuluyang nabigo.
Mas masaklap naman ang sinapit ng EAC dahil nakalamang ang Generals ng pitong puntos laban sa Jose Rizal Heavy Bombers sa huling apat na minuto. peronakabawi angHeavy Bombers at nakatabla, 57-all sa pagtatapos ng regulation at nagwagi matapos ang overtime, 74-70.
Tampok na duwelo ang shooting match nina Argel Mendoza at Kevin Alas. Si Mendoza, na sia sa mga top scorers ng liga noong nakaraangseason, ay tila nangangapa ngayon. Nagbalik naman si Alas sa active duty matapos na mawala ng tatlong games bunga ng knee injury. Bagamat nagtapos siya ng may 13 putnos para sa Letran ay napakababa naman ng kanyang shooting percentage.
Sinimulan ng St. Benilde ang kampanya sa pamamagitan ng panalo kontra Arellano University subalit nakalasap ng anim na sunod na kabiguan pagkatapos. Sa kabilang dako, ang Perpetual Help ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng panalo sa torneo at may 0-7 record.
Ang Blazers ay pinangungunahann nina Mark de Guzman, Ian dela Paz, Robbie Manalac at prized rookie Dan Carlo Lastimosa. Ang Altas ay mayroon lang dalawang carryover buhat sa line-up noong nakaraang season at ito’y sina Raffy Ynion at Chrisper Elopre.
** ** **.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home