Saturday, January 01, 2011

2011: Nau-TU (2) na, na-ONSE (11) pa

Nau-TU (2) na, na-ONSE (11) pa.

(for Bulgar newspaper daily column, BISTADO, jan 02, 2011 issue)

MAY isang payo ako sa mga tao para sa taong 2011.
Huwag po kayong MAGPAPABOLA sa mga mahuhusay ang BUKADURA.
Sa taong 2011, malaki ang tsansa na kayo ay…maU-TU(2) na at ma-ONSE (11) pa!!!
Original yan, sige, i-text at facebook ninyo yah hah!!

------$$$---
MARAMING bubuwenasin sa taong ito nang hindi nila sukat-akalain.
Marami rin ay BINUBUWENAS na sila nang aktuwal, pero hindi pa nila alam.
Kasi’y nakasanayan nila na maging PESIMISTIKO dahil lumaki sila sa “hirap” at inaakala nila na wala silang SUWERTE—kaya’t kahit binubuwenas na, inaakala nila na hindi pa rin sila sinusuwerte.

------$$$--
KABILANG sa mga binubuwenas pero akala nila ay “malas” pa rin ang mga taong isinilang sa petsang 02, 07, 11, 16, 20, 25 at 29.
Ang buntala na kumokontrol sa kanila ay MOON at NEPTUNE.
Sa numerolohiya—tinatawag silang SERIES of TWO’s (2’s) at SEVEN’S (7’s).
Ang naturalesa nila ay WEAK, pero bilang defense mechanisms, ang behavior nila ay magpapakita ng
“STRONG” lalo na yung mga lalaki at nagpo-porma na “lalaki” o tipong BABAE na “head of the family” pero hindi naman.
Mahirap manghula, kasi’y WALA iyan sa AKLAT—mula yan sa aktuwal na KARANASAN sa mahigit “30 taong paga-analisa ng birthday at petsa ng kapanganakan ng mga tao.

-----$$$---
ANG buntala na kumukontrol sa taong 2011 ay ang SUN—kung saan naiimpluwensiyahan din nito ang mga “tao na nagtataglay” ng numero na KINOKONTROL ng MOON—sila yung nasa series ng TWO’s (2’s) at SEVEN’s (7’s).
Tuwirang naiimpluwensiyahan naman ng SUN at bubuwenasin sa taong ito—ay ang mga isinilang sa Series of ONE’s (1’s) at Series of FOUR’s (4’s).
Kabilang sa may kakaibang suwerte sa taong ito, 2011 ay ang mga isinilang sa petsang 01, 04, 10, 13, 19, 22, 28 at 31.
Pambihira, “RARE” o hindi ordinaryong PAGBABAGO ang magaganap sa mga taong isinilang mga binanggit nating petsa (kasama ang 2’s at 7’s) particular sa mga ipinanganak sa grupo ng 4’s at 1’s.

-----$$$---
GREAT changes ang ibinabadya ng 2011—may kaugnayan sa matindi o kawalan ng sikat ng ARAW o impluwensiya ng SUN.
Sapagkat halos kakambal ng SUN ang MOON—kaya’t apektado ditto ang “TUBIG” at “IMAHINASYON” ng tao.
Nagbabadya siyempre yan ng hindi ORDINARYONG TAGTUYOT at dambuhalang PAGBAHA sa iba’t ibang lugar sa daigdig—partikular sa PILIPINAS at JAPAN.
Ang Pilipinas at Japan kasi ay PAREHONG may “DESENYO o SIMBOLO ng SUN” sa kanilang pambansang watawat bukod pa sa NASISINAGAN sila nang aktuwal ng ARAW at nasa PALIGID din ng NAPAKALAWAK na karagatan.
Nangangahulugan na may MALAKING pagbabago sa larangan ng EKONOMIYA lalo na sa AGRIKULTURA at TEKNOLOHIYA na siyang magbubunsod ng PAGBABAGO o pambihirang IMBENSIYON lalo na sa INFORMATION TECHNOLOGY o CYBERSPACE o INTERNET-related discipline.

-----$$$--
DAHIL kakaibang pagbabago ang magaganap, masasaksihan natin ang PAGYAO ng mga CELEBRITIES hindi lang sa ordinaryong sakit o pagtanda kundi sa mga BIGLAAN tulad ng AKSIDENTE sa BEHIKULO—eroplano, barko at iba pang sasakyan.
Patuloy din ang pagdami ng pagpatay sa MEDIA at mga EKSPERTO tulad mga abogado, huwes at kahit mga DALUBHASA kasama na ang mga PARI at hindi ordinaryong PERSONALIDAD.
Yan muna at saka na natin itutuloy ang ibinabadya ng 2011—MASAGANANG PAGYABONG at MALAGIM na karanasan.
Siyempre kasama na ang GIYERA, EPIDEMYA at “kakaibang KALAMIDAD”.
Iyan ang TATLONG MAGHAHARI sa mga balita at emosyon ng mga mamamayan sa taong 2011.
HAPPY THREE KINGS po sainyong lahat.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home