Thursday, August 18, 2005

Desisyon

ANUMANG oras ay maaaring ilabas ng Korte Suprema ang hatol kaugnay ng petisyon ng ilang sector na ideklarang illegal ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).Hindi naman magkandatuto si Pangulong Arroyo kung saan poposisyon—itutuloy ba ang EVAT o ibabasura ito.Magkakasalungat ang mismong mga tagapayo ng Malacanang dahil naniniwala ang ilan na magbubunsod ng matinding krisis ang implementasyon ng EVAT.Pero, kinokontra ito ng ilang tagapayo na nagsasabi namang kapag hindi naipatupad ang EVAT ay mababangkarote ang gobyerno dahil maba-blacklisted ang Pilipinas sa mga international financing institusyon.Kumbaga, sala-sa-init; sala-sa-lamig!Mas mainam talaga na ipaubaya na lamang sa Korte Suprema ang paghatol dito at pikit-matang ipatupad ito dahil isa na itong pinagtibay na batas.Ang mahalaga, ay may matibay na desisyon ang isang lider---MALI man ito tama sa paningin ng iba.Ang napakasama, ay ang kawalan ng DESISYON!
--30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home