Sunday, October 16, 2005

malaking kahihiyan

editorial (17Oct05)

ILANG araw na lamang at magsisimula na ang 23rd Southeast Asian Games kung saan magsisilbing host ang bansa. Pero, naghihintay ang isang napakalaking kahihiyan sa mata ng international sports community dahil sa pagiging gahol sa preparasyon partikular sa mga lugar na pagdarausan ng kumpetisyon.
Hanggang sa kasalukuyan ay naghahagilap pa ng panggastos ang organizing committee gayong matagal na naigawad ang karapatan sa pagiging host. Malabo ring maganap ang pantasya ng mga RP sports officials na maging overall champion ang Pilipinas sa biennial meet.
Pero, sa mga apisyonados, higit na malaking kahihiyan ang maihihilamos sa mukha ng sambayanang Pinoy sa kabiguan na maisali ang BASKETBALL sa calendar of events.
Dahil sa simpleng panghihimasok ng Philippine Olympic Committee (POC) sa awtonomiya ng isang national sports association (NSA) na Basketball Association of the Philippines (BAP), hindi papayagan ng International Basketball Federation (FIBA) na pangasiwaan ng POC-created NSAs ang basketball event.
Ang pagiging gahaman ng dalawang commercial basketball leagues—Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Basketball League (PBL) na negosyohin at kontrolin ang “amateur basketball” kakutsaba ang POC, pinigil ang BAP na magpasok ng RP Team at pinupuwersa ang sarili nilang “GRUPO” kung saan ibinasura naman ng FIBA.
Dapat ay palayin ng POC na pangasiwaan ng BAP ang pagbuo ng RP Team dahil may awtonomiya ang anumang existing organization mula sa kanyang “pederasyon”.
Ang simpleng sintudo-kumon ay mauunawaan ang problema ito.
No.1 sports ang basketball sa Pilipinas—pero hindi ito maisasali sa SEAGames na gaganapin sa Maynila.
Isang malaking kahihiyan ito na bubura sa dambuhalang karangalang inihandog ni People’s Featherweight world boxing champion Manny Pacquiao sa ating Republika.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home