Friday, October 14, 2005

libog na libog

Bistado (15Oct05)


NAGO-OPPOSITION na rin ngayon si Senatorial topnotcher Mar Roxas.
Kasi’y kapag kinunsinte niya si Ate Glo, malabo siyang maging PRESIDENTE.

---$$---
BINANSAGAN ni Ate Glo ang oppposition na may "LUST FOR POWER".
Ano sa Tagalog ito?
Eh, di LIBOG-NA-LIBOG sa KAPANGYARIHAN.
Hindi ito naiintindihan ng mga paslit.
Nakakaintindi lang nito ay mga may PLENTY OF SEX.

---$$---
NAGLALAYASAN na ang mga foreign investors dahil sa MAGULONG POLITIKA.
Mainam yan, nang hindi nila ma-EXPLOIT ang ating Likas na Yaman.
At LIKAS-NA-YABANG.

---$$---
NASASAKSIHAN natin ngayon ang KAMAY-NA-BAKAL ng Martial Law.
Binobomba ng TUBIG ang kaawa-awang mga demonstrador.
Hindi na po kailangang ideklara ang Batas Militar.
Atkuwal na itong IPINATUTUPAD.

---$$---
UMIIRAL ang Martial Law.
Kaya’t walang duda na aagawin na rin ng gobyerno ang buong Hacienda Luisita.

---$$---
AT dahil may "de facto" military rule, tiyak na mabubuo ang bagong rebel group.
Mula sa Kaliwa at mula sa Kanan.

---$$---
KAPAG hindi tumigil ang paglobo ng presyo ng langis, walang duda na pormal na idedeklara ang State of Emergency.
At kapag sinaklot tayo ng bird flu, isusunod ang deklarasyon ng Martial Law.
Paktay kang bata ka!
----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home