Saturday, October 15, 2005

dolyar ang suweldo

Bistado (16Oct05)



GUMAGAWA na ng DEPENSA ang 25-nation European Union kontra sa Bird Flu pandemic.
Huhhh, sa Pinas, nagdedebate pa sa Konstitusyon.

------$--
IMBES na lumikha ng PANDEMIC COMMISSION na kukunsulta sa mga lalawigan, naglilibot ang Constitutional Commission (ConCom) kung paano BABASTUSIN ang Saligang Batas.
Pweeeee!

----$$--
SINIBAK ang limang immigration officers dahil sa pagpapatapon sa kidnaper ni Jackie Tiu.
Baka ibinigay na ng suspek ang kanilang SEPARATION at RETIREMENT BENEFITS.

----$$---
PAPAYAGAN na raw mag-ari o magnegosyo ng MEDIA OUTFIT ang mga foreigners.
Yipeeee, magiging DOLYARES ang suweldo ng editors at reporters!

----$$--
LULUSOB ang 4,500 US troops sa Pilipinas sa BALATKAYO ng isang US-RP military exercise.
Hindi kaya biglang isabay dito ang US-backed COUP D’ ETAT?

-----$$--
NATATAKOT ang mga foreign students sa Mindanao na mapagkamalang terorista.
Aba, eh, di magpakasal kayo sa isang PINAY sa kalye.

-----$$--
NAKIPAGKASUNDO daw ang gobyerno sa MILF upang ibigay dito ang hurisdiksiyon sa ARMM kapag isinalong ang armas sa Peace Talk.
Paniwalaan naman kayo ang isang gobyernong malapit nang bumagsak?

-----$$---
BINUSKA ni Ate Glo ang oposisyon na napurnada na umano
ang ipinakikipaglaban sa pagsibak sa kanya sa Malacanang.
Hindi kaya nalungkot nang todo si Vice Noli?

-----$$--
MAWAWALAN ng trabaho ang 8,000 obrero dahil sa LABOR STRIKES.
Ts, tsk, tsk, paabutin naman ninyo ng PASKO!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home