Saturday, October 15, 2005

bugnot na si ate

editorial (16Oct05)

PARANG buga ng armalayt na kinakana na ng diretso ni Ate Glo ang oposisyon. Pinakahuling upak ay ang pambubuska na purnada na ang pagnanasa ng oposisyon na maagaw ang poder ng Malacanang.
Inaasahang lalong mag-aapoy ang balitaktakan lalo pa’t tinamaan ng bomba ng water cannons sina ex-Vice President Tito Guingona, Fr. Robert Reyes at iba pang Catholic Bishops sa isang kilos-protesta sa Mendiola. Malinaw na nagbabalik ang mga eksena bago ideklara ang Batas Militar noong 1972.
Isa lang sa hindi natin nakikita ngayon ay ang malawakan at araw-araw na demonstrasyon ng mga aktibistang estudyante university belt. Nangangahulugan na totoong hindi nakaporma nang husto ang mga cadre ng CPP-NPA-NDF kompara sa dekada 70’s kung saan nadoktrinahan nila ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo.
Pero, mas delikado ngayon ang labanan, kasi’y nangangahulugan ito na lehitimong kritiko ng demokrasya ang mga pumapagitna sa lansangan. Mahirap sabihing lider ng komunismo sina Guingona at Fr. Robert tulad ng ginagamit na pananggalang ni ex-President Makoy.
Kapansin-pansin ang pagkabugnot ni Ate Glo sa nagdaang araw. Sintomas kaya ito ng papalapit na malaking problema sa kanyang buhay?
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home