Wednesday, October 12, 2005

sepsep

bistado (13Oct05)

ITINANGGI ng AFP na pinayagan nila ang AUSTRALIAN TROOPS na hantingin ang mga terorista sa Mindanao.
Eh, may naniniwala kaya sa mga SEPSEP?

----$$--
IPINABABASURA ng 16 senador sa Korte Suprema ang Executive Order No. 464.
Iyan kung hindi AAKTONG TUTA rin ang mga mahistrado.

----$$--
INILUKLOK bilang kauna-unahang woman chancellor ng Germany si Angela Merkel.
Hindi po totoo na MADALING ARAW rin nang siya ay IPINROKLAMA.

----$$--
SINUSUBAYBAYAN ng mga doktor ang kanyang tinalo na si Gerhard Schroder.
Baka raw kasi ito ma-STROKE din tulad ni Da King.

---$$---
NAKIPAGKITA pala ang dalawang JI bombers kay Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani noong 2004.
Pinag-usapan siguro nila kung paano makapagbebenta ng KUWITIS sa Bocaue, Bulacan.

---$$--
BUBUWISAN din ang produktong MINERAL WATER.
Ito ay isang NAKAPALINAW na kapalpakan.

-----$$---
IPINAAALIS na ni Sen. Aquilino Pimentel ang parusang BITAY.
Baka kasi TAMAAN si Pareng Erap.

----$$--
LUMAGO raw ang “investments” sa RP.
Marami ang pumasok sa operasyon ng VIDEO KARERA.

----$$--
NILINAW ng mga eksperto na hindi TATALAB ang anumang klase ng VACCINE kapag kumalat ang BIRD FLU sa buong daigdig.
Nagaganap na ang nasusulat sa Banal na Kasulatan.
May matetepok sa lahat ng BAHAY.

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home